Yamato: 14

1.3K 63 0
                                    

SUNNY’S POINT OF VIEW:

        Gabi na ng maisipan naming umuwi, pasan pasan ni Yamato si Shonti na sobrang napagod sa kakulitan niya sa buong maghapon na iyon. Sa halip na sa bahay namin ako umuwi ay sumama na ako kay Yamato na umuwi sa bahay niya.

        “Salamat sa masayang araw na to.” ang sabi ko bilang pasasalamat kay Yamato habang naglalakad na kami pauwi sa kanila.

        “Wala yon. Tiyaka wala naman talaga akong nagawa para pasayahin ka ngayong araw, hetong si Shonti at si Karina ang talagang nagpatawa at nagpangiti sayo ngayong araw, sana katulad ko rin sila na kayang kaya ka patawanin.” ang sabi ni Yamato na para bang may lungkot sa pananalita niya.

        “Ano ka ba dahil sayo kaya ako naging masaya at tiyaka kung hindi naman dindahil sayo hindi ko makikilala itong si Shonti at si Karina, kaya ikaw pa din talaga ang dahilan kung bakit naging napakasaya ng araw kong ito.” ang sabi ko sa kanya.

        “Weh talaga?” ang sabi nito na parang di pa naniniwala..

        “Oo nga, heto ayaw pang maniwal.” ang sabi ko naman para kumbinsihin siya.

        “Sige nga i-kiss mo ko kung totoo.” ang sabi ni Yamato sabay ngiti.

        “Para tong sira, dito talaga?” ang sabi ko naman.

        “Oo bakit wala namang tao tiyaka tulog naman tong tukmol na to.” ang sabi ni Yamato at bigla ko siyang hinalikan pero sa halip na isang mabilis na halik lamang iyon ay tila parang ginusto ko tumagal pa iyon ng ilang sandali pa.

        “Yamato.” ang sabi ng isang boses at ng marinig namin iyon ay bigla kaming bumitaw sa paghahalikan namin, nang tignan namin kung sino ay tila nagulat si Yamato.

        “Mr. Yoshiro?” ang sabi ni Yamato, “Sir what are you doing here?” ang dagdag niyang tanong.

        Kinuha ko si Shonti na kasalukuyang nakapasan kay Yamato dahil sa pakiramdam ko ay may importanteng bagay ang kailangan pag-usapan ang dalawa.

        “Sir, what are you doing here?” ang tanong muli ni Yamato ng makalapit na sa kanya si Mr. Yoshiro at nabigla si Yamato ng yakapin siya nito.

        “I am so sorry.” ang sabi ni Mr. Yoshiro at napansin kong may luhang nagumpisa ng pumatak mula sa mga ni Yamato.

        “Sorry for what Sir?” ang tanong ni Yamato.

        “Yamato, son.” ang sabi ni Mr. Yoshiro at doon na nag umpisang umiyak si Yamato at napayakap siya kay Mr. Yoshiro na ama niya.

        “Papa?” ang sabi ni Yamato na hindi makapaniwala habang umiiyak.

        “Yes son this is your Papa, I’m your father, I am so sorry if I left you. You and your mom. I swear I didn’t mean to do it.” ang sabi ng Papa ni Yamato.

        Sa mga oras na iyon ay naramdaman ko din na may mga luhang pumatak mula sa mata ko, mga luha dahil nakita at nayakap din ni Yamato ang kanyang papa. Ang magulang na hindi niya nayakap sa loob ng matagal na panahon. Naisipan ko na mauna na iwan na muna silang mag-ama na magkaroon ng oras para mag-usap ng mapansin ko na maghiwalay na sila sa pagkakayakap.

        “Ah Papa, I would like you to meet Sunny.” ang pagpapakilala sa akin ni Yamato sa akin.

        Makikipagkamay sana ako sa kanya pero hindi ito inabot ng papa ni Yamato pero hindi ko na lamang ito pinansin, napatingin si Yamato sa akin at pasimple kong sinabi na okay lang.

        “Ah Papa, Sunny is my partner.” ang biglang sabi ni Yamato na tila kinagulat ng papa niya.

        “Ah, ah, I see. Then it is nice to meet you Mr. Sunny.” ang sabi ng papa niya sa akin ngunit ramdam ko ang malamig na pagtanggap sa akin ng papa ni Yamato noong mga oras na iyon. “Son I guess we’ll just have to talk tomorrow. I think you and Sunny are tired from all the things you did.” ang sabi pa nito at napatango na lamang si Yamato. Niyakap ng Papa niya si Yamato bago ito umalis.

        Bago ito umalis ay lumapit ito sa akin ng nakangiti, “It’s nice to meet you again Sunny.” ang sabi ng papa ni Yamato, “but I don’t want you for my son.” ang dagdag nito ng pabulong lamang at nang madinig ko iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko.

        Nang makaalis na ang papa ni Yamato ay nagpatuloy kami maglakad, hinatid muna namin si Shonti sa bahay nila at nagtagal din kami doon dahil ipinakilala niya ako sa mama ni Shonti na masayang masaya para sa amin. Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa bahay ni Yamato, tahimik lang ako habang si Yamato ay tuloy sa pagkukuwento tungkol sa nararamdaman niyang saya.

        “Sunny, ayos ka lang?” ang tanong sa akin ni Yamato.

        “Ha? Ano?” ang sabi ko na tila hindi ko naintindihan ang simple niyang tanong na iyon.

        “Sabi ko ayos ka lang ba? Bakit bigla kang tumahimik? Dahil ba sa hindi pakikipag kamay ni papa?” ang tanong ni Yamato.

        “Ah hindi, hindi, nakikinig lang ako sayo, ano ka ba, masaya nga ako kasi nakita mo na ang papa mo.” ang sabi ko bilang pagsisinungaling. Bigla kaming huminto sa paglalakad at hinarap niya ako sa kanya.

        “Oh bakit?” ang tanong ko at bigla niya akong niyakap.

        “Pasensiya ka na kung pakiramdam mo ay nabastos ka ni papa, huwag kang mag-alala kakausapin ko siya, at kung hindi ka pa rin niya irespeto sa susunod ay ikaw ang pipiliin ko na makasama.” ang sabi niya at noong marinig ko iyon ay napayakap ako sa kanya.

        “Huwag mong gagawin yan, mas mahalaga ang papa mo kaysa sa akin, kadugo mo siya, magulang mo siya, kaya wag mo siyang ipagpapalit ng dahil lang sa akin.” ang sabi ko naman.

        “HIndi Sunny, mas mahalaga ka, mas masaya ako kapag ikaw ang kasama ko, mas kumpleto ako pag nandito ka. Sunny pangako walang sino man ang makakapagpahiwalay sa atin, kahit pa ang papa ko.” ang sabi ni Yamato. Hindi na ako nakaagsalita sa sinabi ni Yamato na iyon dahil hindi ko din naman talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

        Nang makarating kami sa bahay ni Yamato ay agad na kaming nagpahinga, magkatabi kami at magkayakap na nakahiga, mahimbing ng natutulog si Yamato ngunit ako ay hindi makatulog dahil ang isip ko ay tila ginugulo ng salitang binitawan sa akin ng kanyang ama bago ito umalis. Nakaramdam ako ng takot, takot na maiwan ako ng mag-isang muli, hindi ko alam, gulong gulo na ako.

        Pinagmasdan ko si Yamato habang mahimbing na natutulog, “Yamato, kaya mo nga kaya ako ipaglaban tulad ng sinabi mo? Yamato hindi mo nga ba talaga ako iiwan tulad ng ipinangako mo?” ang sabi ko ng pabulong at hindi ko na napigilang maluha. Bakit sa tuwing masaya ako ay napapalitan agad ng kalungkutan at takot? Hindi ba pwedeng maging masaya na lamang ako, ako na kasama si Yamato?

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon