YAMATO’S POINT OF VIEW:
Hindi ko makalimutan ang mukha ng lalaking nakita ko sa park, nakita ko sa mukha niya ang saya noong makita niya ako ngunit napalitan agad ito ng lungkot noong malaman niya na hindi ko siya nakikilala. Nasa kwarto ko ako noon at nakahiga habang nakatitig lang sa kisame at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila tumatak sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon na hindi ko naman matandaan. Pero hindi lamang siya ang taong lumapit sa akin na parang kilala na ako, may mga empleyado din sa restaurant ni Papa ang nabigla noong makita ako at bigla na lang ako niyakap pero mas nagulat sila noong sabihin ko na hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga tao sa paligid ko, ano ba ang nangyari sa akin bago ako sumailalim sa operasyon?
“Ano ka ba Yamato, bakit mo ba iniisip ang mga taong hindi mo naman kilala.” ang sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako at lumabas sa may veranda ng kwarto ko at tinanaw ko mula doon ang makulimlim na langit.
“Mukhang uulan pa yata.” ang sabi ko ulit na tila ang kausap ko ay ang sarili ko, mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng kwarto ko kaya agad akong pumasok at kinuha ito sa ibabaw ng table drawer sa tabi ng kama ko. Tumatawag sa akin si Ryuji kaya naman agad ko itong sinagot.
“Hello?” ang bungad kong sabi ng sagutin ko na ang tawag.
“Hello Yamato, free ka naman mamayang gabi di ba?” ang tanong nito sa akin.
“Ah, oo wala naman akong gagawin mamaya, bakit mo natanong?” ang usisa ko.
“May isa kasi akong kaibigan at business partner din na nag-imbita ng isang dinner meeting, sa tingin ko ay makakabuti na makilala mo siya in case na interesado ka na makipagsosyo sa kanya.” ang sabi sa akin ni Ryuji, since ng gumaling ako sa operasyon ay tinuruan na ako ni Papa at Ryuji ng lahat ng bagay tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo, si Ryuji ang siyang laging nasa tabi ko para alalayan ako sa mga bagay bagay. Siya din ang tumutulong sa akin upang bumalik ang mga alaala na nawala sa akin, pero pinagtataka ko lang ay bakit hindi din nia kilala yung lalaki at yung bata na nakita namin sa park.
“Sige, magkita na lang tayo mamaya.” ang sabi ko.
“Good, sige susunduin kita mamayang 8PM.” ang sabi ni Ryuji.
Nang magkasundo na kami ay ibinaba ko na ang tawag at muli akong nahiga sa kama ko at muli ay naisip ko na naman yung lalaki sa park, kung hindi ako nagkakamali Sunny ang pangalan niya pero bukod don sino ba siya sa buhay ko?
Dahil hindi ako mapakali kakaisip ay naisipan ko na lumabas at magpahangin muna kung saan, hindi ko alam, pakiramdam ko kasi ay na-stress na ko kakaisip kung sino ba siya talaga. Naisipan ko muling pumunta sa park kung saan ko nakita si Sunny, hindi ko alam kung bakit pero parang sinasabi sa akin ng instinct ko na kailangan kon siyang makita na kailangan ko siyang maalala.
Naupo ako sa isang bench at tumingin sa langit mas maiitim na ulap na ang bumabalot ngayon sa langit. Luminga linga ako sa paligid ng park at napansin ko na kumakaunti na ang tao doon hanggang sa may mapansin ako na pamilyar na mukha na nakaupo sa di kalayuan at pinagmamasdan ang langit, hindi ako pwedeng magkamali siya yung lalaki noong isang araw.
Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at pumunta ako sa kinauupuan niya ng malapit na ako ay napahinto ako tila nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko nong makita ko ang maamo at inosente niyang mukha habang tahimik siyang nakatingin sa langit, ilang sandali pa ay napalingon ito sa akin at tila nagulat siya nang makita niya ako, sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lamang ito tumakbo palayo.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...