SUNNY & YAMATO: 9

1.8K 71 1
                                    

SUNNY’S POINT OF VIEW:

 

        Pabalik na ako noon sa mansyon galing sa bahay upang kamustahin si Papa nang maisipan ko na dumaan muna sa isang park, medyo madilim na noon sa park na yon, nagdadalawang isip na nga ako kung dadaan pa ba ako sa park na yon, hanggang sa mula sa kinatatayuan ko ay may nakita ako na tila pamilyar sa akin, naglakad ako ng palapit sa taong iyon hanggang sa mas naaninag ko ng mabuti.

        “Si Yamato yun ah? Ano ginagawa niya dito? At sino naman yung kasama niya?” ang tanong ko sa sarili ko, lalayo na sana ako ng mapansin ko na tila di komportable ang itsura ni Yamato, hindi kaya hinoholdap siya? Teka ano ba ang pwede kong gawin?

        Agad akong pumuwesto sa medyo madilim na lugar sa park at bigay todo ko sinigaw ang pangalan ni Yamato at tila nakatulong ako dahil naitulak agad ni Yamato ang lalaki, tama nga ang hinala ko di nga niya kilala yun, kaya noong nakatakbo na siya palayo ay sinigaw ko muli ang pangalan niya para pumunta siya sa direksiyon ko at ganoon nga ang ginawa niya tumakbo si Yamato patungo sa direksyon ko, once na makalapit sa akin si Yamato ay kukunin ko agad ang kamay niya at sabay kaming lalayo sa park na iyon para takasan yung lalaki pero hindi ko inaasahan ang sumunod na eksena may isang lalaki ang biglang sumulpot kung saan at hinampas sa bandang batok si Yamato gamit ang kahoy at agad na ikinatumba ni Yamato, dahil sa gulat ay di ko napigilang isigaw ang pangalang niya ng malakas, pagkasigaw na pagkasigaw ko ay lumabas ako sa dilim ng pinagtataguan ko at walang pagdadalawang isip na tinulungan ko si Yamato, nag taekwondo at karate lesson ako dati kaya may alam ako pagdating sa self defense kaya naman malakas ang loob ko, agad kong binigyan ng sipa sa magic balls niya ang lalaki dahilan para manikluhod siya sa sakit, hindi ko alam kung dahil sa adrenaline rush pero bago pa tumulong yung lalaki na naitulak ni Yamato kanina ay mabilis ko naipasan si Yamato ni hindi ko nga matandaan kung paano ko nga siya naipasan, ang tanda ko na lamang ay naipasan ko siya at nadala ko siya sa pinakamalapit na hospital.

        Sa hospital hindi ko maipaliwang ang takot ko, ni hindi ko maunawaan kung bakit ko ginawa na i-risk ang sarili ko, ngunit ng maalala ko si Yamato na bumagsak noong hinampas siya ay bigla na lamang pumatak ang luha ko at napahawak ako sa kamay nito, “gumising ka na Yamato, gumising ka na.” ang sabi ko ng pabulong habang patuloy ang pagluha ko.

        Tangan tangan ko pa din ang kanyang kamay, napapikit ako habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.

        “Gumising ka na na diyan Yamato, gumising ka na, di ko pa nga nasasabi na mahal na kita eh.” ang sabi ko habang nakapikit ako at naramdaman ko na lang namay daliring dumampi sa aking mukha upang pahirin ang aking mga luha.

        “Tumahan ka na, hindi naman ako mamamatay ‘no, tiyaka gigising talaga ako madinig ko ba naman na mahal mo din ako, sapat na dahilan na yon para gumising ako.” ang sabi ng boses na alam kong boses ni Yamato, dahan dahan ko pang idinilat ang mga mata ko at nakita ko siyang nakangiti nang makita ko yon ay tila nagkusa ang aking katawan na yakapin siya.

        “Wow naman, ang sarap talaga pag galing sa mahal mo yung yakap, nakakagaan ng loob.” ang sabi ni Yamato na gumanti din ng yakap sa akin, “maraming salamat sa pagliligtas sa akin.” ang sabi pa niya sa akin.

        “Wala yon, kahit ako di ko din akalaing magagawa ko iyon, hindi ko akalain na handa ako gawin para sa iyo, pero dahil dun napatunayan ko na mahal nga kita, na hindi lang kaibigan ang tingin ko sa taong nabangga ko at nagbalik ng cellphone ko.” ang sabi ko sa kanya at humigpit ang yakap namin sa isa’t isa, hindi namin namalayan na may nurse pala na dumating at tinitignan kami at bigla kaming bumitaw sa pagkakayakap at parehong namula habang yung nurse napangiti at tila kinikilig.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon