Prologue

2.7K 61 3
                                    

"Alice, hoy!"

Napaigtad ako nang may sumigaw malapit sa tenga ko. My soul got shocked by that action of my gay best friend.

"Pisti ka Arturo!" Sinapak ko ang matipuno niyang braso ngunit ako lang din naman ang nasaktan. He looked at me with his dagger eyes because of what I called him. He really hate his real name huh.

"It's Aurora, bitch!"

Inirapan ko nalang ito saka ko pinagpatuloy ang page-edit ng presentation namin para bukas. I'm now on my 12th grade under the strand of STEM and I must say that it was really a hell damn decision.

Hindi ko pa naman kase talaga alam kung ano ang gusto ko pero dahil medyo sosyal ang STEM, doon nalang ako kahit malapit na ata akong sunduin ni San Pedro dahil sa sobrang hirap.

"Saan ka pala pupunta after ng class?" tanong niya habang sumisipsip ng milktea na binili pa niya sa labas ng university namin. Ang layo kaya no'n sa building namin at sobrang init pa.

I didn't bother giving him a sermon though iisa lang ang  isinasagot niya sa 'kin sa tuwing tinatanong ko kung bakit pa siya nag e-effort.

Dahil pogi raw 'yong vendor...tsk

"Saan pa ba? Edi kay ex..." I sighed.

Naramdaman ko ang kanyang masakit na kurot dahil sa narinig mula sa 'kin.

"Ang tanga mo talaga, ghurl. Talaga bang hindi mo na titigilan si Ryker?" Without any doubts, I shook my head.

I know he's so disappointed to me but I can't just let him go. Tutal, 5 months pa lang naman kaming hiwalay at alam kong may pag-asa pa kami. Ayaw kong basta-basta nalang sayangin 'yong three years na naging kami.

Hindi kami parehas ng school ni Ryker at gaya nang nakagawian, kada pagkatapos ng klase ay lagi akong nag-aabang sa school nila para kausapin siya.

"Hindi ka na ba talaga nadala sa hayop na 'yon? 'Di ba nga na-fell out of love raw siya sa 'yo tapos wala pang isang araw na hiwalay kayo, may iba na agad siyang kasamang babae. Nakakaloka ha."

Ngumiti lang ako nang mapait sa kanya saka siya pumunta sa likod ko at itali ang buhok ko.

"Ang sweet mo talaga sa 'kin. Feeling ko tuloy ay nagpapanggap ka lang na bakla para malapitan ako." Tumawa ako nang malakas nang maramdaman kong parang nahihiwalay sa anit ko ang buhok ko. Sinasabunutan na pala ako ng baklush na 'to.

"Ngina mo, ghurl. Nakakadiri ka. Bet ko lang talaga 'tong hair mo kaso nang banggitin mo 'yan ay parang gusto ko nalang itong gupitin." Nanlaki ang mata ko nang kinuha niya pa ang bag niya at nilabas doon ang gunting saka ngumisi sa 'kin.

Langya talaga 'to. Sana kase pumasok nalang si Olivia para kahit papaano ay may kakampi ako. Trio talaga kami pero absent siya ngayon dahil may lagnat ang gaga.

"Subukan mo lang talaga, Arturo. Sinasabi ko sa 'yo, hindi mo na ulit makikita si kuya." It's time for me to smirk. Patay na patay ba naman kase siya sa kapatid ko eh.

"Whatever! Diyan ka na nga. Wala kang kwentang kausap." 

Napailing nalang ako nang mag walkout ito.

Masyadong pikon si mamita...

I glanced at my wrist watch and it stated that it's already 1:30 PM. Mabilisan akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko dahil 15 minutes nalang ay magsisimula na ang class namin.

"Shit."

Nasa field pa naman ako ngayon at malayo-layo pa ang building namin. No choice but I need to run as fast as I could before the class starts. I bear the strong heat from the sun and didn't even think of going to the covered hallway because I was too pre-occupied.

Boy For RentWhere stories live. Discover now