Finally...after my 10th call, Ryker answered it already.
"Hello, Alice? Sorry naka-silent kase phone ko kanina. May problema ba?" bungad niya.
Marami akong napagtanto nang makausap ko si kuya kaya nagmadali agad akong nagpunta sa school nila Lynx. Alam kong vacant nila sa ganitong oras kaya alam kong wala sila sa classroom nila ngayon. Tinignan ko na rin ang iba nilang tambayan dito ngunit wala sila kaya no choice kundi tawagan si Ryker.
Mabuti nalang at okay na kaming dalawa kaya hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness. Although I'm still on the process of moving on, I'm now feeling better than yesterday.
"Nasaan ka? Kasama mo ba si Lynx?" Narinig ko ang pagtikim nito sa kabilang linya.
"Yeah, why?"
Narinig ko pa ang pagsuway niya sa isang niyang kaibigan kaya alam kong magkakasama sila ngayon. Nasa outside the school ba sila ngayon? Malapit nang mag-lunch time pero hindi ko pa rin nararamdaman ang gutom dahil hindi pa rin ako mapakali hangga't hindi ko siya nakakausap.
"I just need to talk to him. Where exactly are you?"
"Here in the clinic. Alam mo ba kung saan 'yong daan papunta rito? Nasaan ka ba? Ako nalang susundo sa 'yo." I smiled at the tone of his voice. Don't get me wrong huh. I'm just happy that he's finally back from the Ryker I once knew.
One of the lessons I learned in love and even in life is acceptance. If you can accept success, why not do the same with failures that you always thought a hindrance in you. We can't deny the fact that these failures that blocks our ways are the one who will lift us up in every journey we take.
And now, I already accepted the fact that Ryker and I can no longer be together. Kung masaya na siya ngayon sa iba ay tatanggapin ko 'yon. Hindi na ako gagawa ng paraan para magmakaawa lang na balikan niya ako. I realized that forcing someone to love you will just give you a toxic life.
Desisyon niyang sumaya sa iba kaya sino ba naman ako para ipagkait pa 'yon sa kanya?
"No need, Ry. Alam ko na ang daan diyan. Pero teka, bakit kayo nandiyan? May medical ba kayo?"
Wala naman sigurong nangyaring hindi maganda sa kanila kaya sila nando'n.
"Si Lynx kase mataas ang lagnat. Dapat nga sa hospital na 'to dalhin kaso ayaw naman ng gago-
Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at dali-daling tumakbo papunta sa clinic nila. Mabuti nalang at malapit lang 'yon dito sa pinaghintayan ko kanina.
Naalala ko na naman 'yong araw na umulan nang malakas at nagpabasa siya habang pinagmamasdan kami noon ni Ryker. Lynx naman kase oh!
Pabagsak ko pang binuksan ang pintuan dahil sa pag-aalala. Nang tuluyang makapasok ay doon ko naramdaman ang labis na pagkahiya. Napatingin ang daalwang nurse sa 'kin at sina Ryker. Parang napako naman ang mga paa ko sa sahig nang dumako ang tingin ko kay Lynx na agad na umiwas ng tingin sa 'kin.
Nanlumo pa ako nang makita si Nelice sa gilid niya. Napahakbang ako paatras dahil pakiramdam ko, nawalan ako bigla ng karapatang puntahan siya.
Mabuti nalang at agad na lumapit sa 'kin si Ryker at inalalayan ako palapit sa puwesto nila. Nakahiga si Lynx sa puting kama habang nakapalibot sa kanya ang iba niyang mga kaibigan. Ngumiti pa sa 'kin si Nelice ngunit hindi ko kayang suklian ang mga 'yon.
Naiinis ako pero alam kong wala akong karapatan.
Gusto ko siyang hilahin palayo kay Lynx ngunit alam kong mali.
Nais kong ibaling ang tingin ni Lynx sa 'kin pero hindi ako makagalaw.
Mangyayari na naman ba ulit? Magpapaubaya na naman ba ako ng sarili kong kasiyahan?
YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...