Hawak ko ang kanang kamay ni Ryker habang pinagmamasdan pa rin siyang matulog nang bigla itong gumalaw. Nataranta pa ako kaya mabilis ko itong tinanggal. Umayos ako ng upo habang dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.
"How are you feeling?" Nag-alangan pa akong kausapin siya dahil baka ipagtabuyan na naman niya ako.
"Wala ka ng pake do'n," matigas niyang sambit. Sa nakikita ko ngayon ay parang wala siyang iniindang sakit.
Umakto itong babangon kaya sinubukan ko siyang alalayan. Para pa akong nakuryente nang mahawakan ko siya kaya agad niya akong nilayo.
"I don't need your help. Asan si mommy? Bakit ikaw ang nagbabantay sa 'kin?"
I felt a pang in my heart when I heard the disappointment from his voice. Pilit kong pinatatagan ang sarili ko para sagutin siya.
"May binili lang siya sa labas. Besides, she asked me to stay with you for a while..."
Kapag siya na ang kaharap ko ay parang hindi ko mawari ang sarili ko. I am not like this before but ever since he left, I became someone whom I never expected to be and I don't feel good at it. Sana lang ay may patutunguhan ang mga plano namin ni Lynx para kahit papaano ay maging worth it lahat ng luha ko sa lalakeng 'to.
"But I don't want you here. Why not call Chezca? Siya ang gusto kong magbantay sa 'kin ngayon, hindi ikaw."
I showed him a bitter smile but he just avoided my gaze like he's disgusted on me. I always ready myself if this kind of time came that I am no longer the girl he wanted but damn! It's like a million of knives just stabbed me right at this moment.
Hearing directly from him that he doesn't need me anymore is a bomb that explodes inside my chest. Paano ba kaya kapag sinabi na niyang may mahal na siyang iba?
"What's her number? Ako na ang tatawag sa kanya." Martyr na kung martyr pero gagawin ko lahat ng gusto niya kahit pinapatay na ako sa sakit.
"Tignan mo sa bag ko ang phone ko. Ako nang tatawag sa kanya."
Sinunod ko agad ang sinabi niya at nilibot ang tingin sa loob. Nang makita ang black backpack niya na lagi niyang gamit ay dumiretso ako do'n. Kinuha ko ang phone niya sa loob at saktong nagring pa ito. At muli na namang dumaan ang sakit nang makita ang picture ni Chezca bilang wallpaper niya.
Ako lang 'yon dati eh...
Inabot ko sa kanya 'yon at dali-dali naman niyang sinagot ang tawag. Sinenyasan pa niya akong lumabas muna at kahit labag sa loob ko, dahan-dahan akong humakbang paalis sa kwartong patuloy na hinihigop ang buong lakas ko.
"Please come here, babe. I miss you so much..." 'Yon ang huli kong narinig bago ko maisarado ang pinto.
Feeling ko ay wala akong kakampi ngayon dito. Napagdesisyunan kong lumabas muna ng hospital at magpahangin saglit.
Pumunta ako sa garden ng hospital at doon naupo sa may bench.
The blooming flowers are like staring at me with full of delight and the cold breeze of air hugged me like it's comforting me right now. Gabi na rin pala at hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa mga nangyari.
Na-late ako kaninang umaga sa school, napasagot ako ng teacher namin, masaya akong inimbitahan ni Lynx, nalaman kong na-aksidente si Ryker at Lynx at higit sa lahat, nasaktan na naman ako nang dahil sa iisang tao.
I'm so freaking tired because of the same scenario. I actually hate crying before because I look like a shit but look at me now, I'm wasting myself over a guy who always choose to break me apart.
Si Lynx lang ang makaka-intindi sa 'kin sa mga oras na 'to pero pati siya ay hindi ko mapagtuunan ng pansin.
"Forgive me, Lynx. I promise to make it up to you..."

YOU ARE READING
Boy For Rent
Fiksi RemajaI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...