14th Chapter

509 26 1
                                        

It's been three days since the accident happened. They're now both discharged from the hospital but I'm still worried as hell. Hindi ko na rin kaseng nagawang dalawin si Lynx dahil nahihiya ako sa kanila ng mama niya. 

At syempre, bilang dakilang tanga sa pag-ibig, binibisita ko pa rin noon si Ryker kahit lagi niya akong pinagtatabuyan.Chezca is also there all the time but it didn't stop me from going there. Minsan nga ay nilait niya akong two timer dahil umaaligid pa rin ako kay Ryker kahit na nagd-date na kami ni Lynx.

Haysss...I missed that guy too.

"Oh ano mare? Iniisip mo na naman ba ang ex mo o si fafa Lynx? Kailan ka ba kase magtitino ha? Bakit hindi mo siya magawang dalawin? Hindi ka ba nahihiya man lang sa kanya sa kabila ng mga naitulong niya sa 'yo?" Aurora/Arturo exclaimed.

I was caught off guard to what he said. We're here inside the school's cafeteria for snack. Kakatapos lang ng klase namin at dito namin napiling tumambay muna bago umuwi.

Hindi na kase sa condo ko dumiretso si Lynx dahil siya na raw nagpresintang umuwi sa bahay nila at mas maaalagaan pa siya ng parents niya do'n.

"Oo nga girl. Alam mo, mas boto pa nga ako sa kanya kesa sa ex mo. And are you that numb to not notice his feelings for you?" I looked at Olivia with full of confusion. Pinagsasabi nitong feelings? Knowing Lynx? I am not his type and so I am.

"Ikaw lang nakakaalam niyan, Oliv. 'Di ba, Arturo?" Hindi ko alam pero umasa akong kakampi siya sa 'kin pero nagkamali ako.

"I agree with her, Alice." He flips his hair and literally both stare at me suspiciously.

Sa sobrang kakanood nila ng Korean drama at pagbabasa ng mga novels ay kung ano-ano ng pumapasok sa isip nila.

Nagiging assumera na ang mga kaibigan kong 'to.

"You're both scary," I retorted. Inubos ko na ang Chocolate drink ko para makaiwas na rin sa kanila ngunit kahit anong gawin kong hindi pagpansin sa mga sinasabi nila ay mas lalo nilang nilalakasan ang kanilang boses.

Nakakainis!

"Pansin mo rin ba bakla 'yong mga malalgkit na tingin ni Lynx kay Alice? Jusku! Nakakalaglag panty 'di ba?"

Tumili pa silang dalawa na mas lalong kinainis ko.

"True! Tapos daig pa nila ang magjowa kapag magkasama sila dahil todo effort si Lynx! Nakakainggit 'no?"

Nakuha pa nilang mag-apir sa harapan ko. Nagpasya na akong tumayo at sinakbit ang bag ko sa balikat.

"Mauna na ako sa inyo. Bahala kayo diyan!"

Akala ko ay tapos na sila sa pang-aasar ngunit may pahabol pa pala sila sa 'kin.

"Pupuntahan mo ba siya, Alice? Yieee, enjoy your date!"

"Goodluck! Ipagdadasal kong hindi na maging torpe ngayon si fafa Lynx!"

Umirap ako sa kawalan at halos takbuhin ko na ang labas ng school. I checked my wrist watch and it was stated that it's already 5:15 in the afternoon. Wala kaming assignment ngayon dahil Friday at dahil wala naman akong importanteng gagawin ay nagpasya akong hindi muna umuwi.

Pumasok ulit sa isipan ko ang mga sinabi nila Olivia sa 'kin kanina at napaisip ako kung handa na ba akong harapin si Lynx ngayon. I admit that I can't totally sleep well for the past few nights because of him. It's not that I have feelings for him but I guess, it's because of conscience?

He's been a good companion to me though...and all I need to do is to visit him and ask about his condition. I also want to apologize for avoiding him. Masyado ko na kaseng tinataas ang pride ko dahil lang sa pagtanggi ko noon sa mama niya.

Walang pagdadalawang-isip kong pinara ang isang taxi at sinabi ang address nila Lynx.

This time, I'm ready to face him...

Boy For RentWhere stories live. Discover now