17th Chapter

520 27 0
                                    

I'm staring at the ceiling of my room in the middle of the night. I lost count on how many glass of milk did I drink already just to fall asleep. I also yawned a lot of times now but I still can't sleep peacefully.

I'm just lucky enough that it's weekend tomorrow and I won't be worried for my haggard look. 

Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at sa tingin ko ay 'yong ang dahilan kaya hindi ako makatulog ngayon. Hindi rin ako mapakali sa higaan ko. Until morning came...

I glanced at my wall clock and it's already 10AM! Gosh gano'n na ba ako ka-sobrang late natulog kagabi at ang late ko nagising? Ang bigat din ng katawan ko at parang lalagnatin. Hindi kase ako sanay eh. Siguro kung nandito pa si Lynx ay nasermonan na naman ako no'n.

Haysss...nakakamiss din ang masungit na 'yon. 

After fixing my bed and brushing my teeth, I stormed outside of my room and went to the kitchen to cook my own breakfast. Kahit papaano ay alam ko namang magluto dahil syempre, wala na akong aasahang iba ngayon na hindi katulad no'ng nasa bahay pa ako at may mga kasambahay. Pero ang pinagkaiba lang ngayon ay hindi na kasing-sarap ng luto ni Lynx.

And why do I keep on thinking him? Gosh...this is driving me crazy.

Napagpasyahan kong kumain nalang ng cup noodles at uminom ng fresh milk dahil wala na akong ganang magluto. 

This condo feels so different now. Wala pa ngang isang buwan nang tumira dito si Lynx ay parang bumalik na naman sa dati ang atmosphere dito. But aside from being dull, I can sense the longingness here.

Kinuha na rin niya ang mga gamit niya dito at talagang desidido na siyang umalis. As if I care? Edi mas mabuti na rin 'yon para hindi na rin ako gagawa ng palusot kung sakaling bumisita na naman sina mommy. 

Matapos kong hugasan at ligpitin ang mga pinagkainan ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maglinis muna do'n. Saktong pagpasok ko ay tumunog ang phone ko. Agad ko itong nilapitan.

Baka sina Olivia o Arturo 'to at iimbitahan akong gumala ngunit nagkamali ako nang iba ang makitang pangalan. Gusto kong umatras nalang at hindi sagutin ang tawag ngunit sa huli ay sinagot ko pa rin ito.

"Lynx?" 

Narinig ko siyang suminghap sa kabilang linya. Bakit ba siya tumawag ngayon? Akala ko ba pinapalayo niya muna ako tapos ngayon naman ay siya mismo ang lumalapit?

"Are you free today?"

"Why?" Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil do'n.

"I settled a date for today. Be ready and I'll pick you up." 

Hindi matanggal ang ngiti ko habang nagbibihis. Nakakapanibago nga dahil ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to. Siguro dahil babalik na ulit kami sa dati at baka wala na rin ang galit niya sa 'kin. 

Friendly date isn't that bad at all. Nakakahiya nga dahil hindi pa ako nakakabawi sa kanya tapos ngayon ay yayayain naman niya ako sa isang date.

Nagbihis lang ako ng simpleng red floral off-shoulder dress at sandals na medyo mataas na siyang gustong-gusto kong suotin. I'm not that tall so, I really love wearing heels to build up my height confidence. Nag-apply lang din ako ng minimal make-up at nag-spray ng pabango.

After I'm satisfied with my looks, I did a quick mirror shots and selfies before going out. 

Nang makalabas sa condo ay nandoon na si Lynx at nakasandal sa kanyang kotse. Binaba niya ang kanyang shades at gusto ko nalang siyang hilahin sa loob ng kotse niya dahil ang daming napapatingin sa kanya. Sino ba naman kase ang hinde?

He looks so damn attractive with his gray long sleeve polo and his black pants. Bagsak din ang abong buhok nito at kahit sa malayo pa lang ay tila ba parang kumikislap na ang mga mata nito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. He judge my looks with his fierceful eyes and even licked his lips after. Umiwas ako ng tingin dahil do'n.

"Hop in." Pinagbuksan niya ako pinto sa passenger seat kaya pumasok na ako do'n.

Humalimuyak ulit ang kanyang pabango nang makaupo siya sa passenger seat. Nagsimula na siyang mag-drive at walang nagtangkang magsalita ni isa sa 'min hanggang sa hindi na ako nakatiis sa katahimikan.

"Are we okay now?" I bravely asked. Binalingan niya ako ng sandaling tingin bago tinuon ulit ang atensyon sa daan.

"I don't know...maybe?"

"Are you really dating, Nelice?" Biglang lumabas ito sa bibig ko kaya napatakip ako dahil sa hiya.

Baka sabihin niyang curious ako sa love life niya ha. Narinig ko ang sarkastikong tawa nito kaya napaayos ako ng upo.

"Why do you even care?" Nag-iba na ngayon ang tono ng boses niya. Hindi ko mawari kung ano pero hindi na rin naging maganda ang pakiramdam ko.

Mukhang sinira ko na naman ang mood naming dalawa...

"I'm just asking. If ever that you two are dating, I'll be happy for you." I smiled but deep inside, I know it's fake.

Bakit kase nagkakaganito ako? Bitter ba ako dahil siya ay magkakaroon na nang maayos na love life habang ako ay stuck pa rin sa ex kong may iba na ring nagugustuhan ngayon?

"Really, Alice? Well...thank you then. Kapag nagkabalikan din kayo ni Ryker ay magiging masaya rin ako para sa inyo."

I don't know if he's sincere because I can't feel anything with him now. Nagbalik na naman siya sa pagiging cold. Bakit ba napaka-bipolar ng lalake na 'to? He's so hard to spell! Kawawa ang magiging girlfriend niya.

"Don't worry. After this, you won't see me anymore."

"What do you mean?" Tumigil na ang sasakyan pero hindi ako nagtangkang alamin kung nasaan kami ngayon at tinignan lang si Lynx na nakatingin na rin sa 'kin ngayon.

"I will let you be happy now. I won't judge you anymore because you know why? I already experienced being in your shoes. I know the feeling of being taken for granted and not being reciprocated by the love I'm giving to someone."

Namuo na naman ang luha sa 'king mata.

"Bakit mo ito sinasabi ngayon sa 'kin, Lynx?"

"Dahil alam kong isa ako sa mga naging kontrabida sa mga desisyon mo noong naghahabol ka sa kanya. At ngayon, hahayaan na kita sa gusto mo dahil sa kanya ka sasaya. Huwag mo ring iisipin na labag ito sa kalooban ko dahil pinilit ko talagang tanggapin na hindi kita kayang ilayo sa kanya."

"Are you telling me that you're letting me go this time?" Tumango ito kaya umiwas ako ng tingin dahil anumang oras ay babagsak na ang mga luha ko.

"Please look at your right. He's waiting for you. Enjoy, Alice."


Paglingon ko ay nakita ko si Ryker na nakatayo at may dalang bulaklak na nakatingin sa aming gawi...

Boy For RentWhere stories live. Discover now