1st Chapter

924 33 1
                                    

Wearing my white sleeveless dress and my sandals, I managed to walk elegantly inside Treson's company with my sling bag on my right shoulder. 

Today is Saturday and it's still 9AM in the morning.

I really called their number last time but because of nervous, I ended it right away. Iniisip ko kaseng isang baliw lang ang papatol sa boy for rent na 'yon but here I am...with this outfit of mine entering to their workplace. Mabuti nalang at nahanap din agad ng taxi driver ang address dito.

Mukhang hindi talaga biro ang isang 'to dahil ang laki ng kumpanya nila. 

"What can I do for you, Miss?" Napaigtad ako nang may magsalita sa gilid ko. 

Halos mapanganga pa ako dahil sa angking nitong gwapo.

"Uhm..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya pinakita ko nalang sa kanya 'yong card. Tumawa pa ito sa ginawa ko at umiling-iling.

"Are you here to rent?" Parang namamangha pa ito sa 'kin. Ako naman ay nagsisimula nang mahiya dahil para akong inosenteng bata na first time pumasok sa isang bar.

Geez...

Ano ba kase itong napasukan ko?

Kung umatras nalang kaya ako?

I nodded slowly at him when I noticed that he's waiting for my answer. 

"Follow me." Sumunod agad ako dito.

I roamed my eyes around the building and I was left with an awe while admiring the gray and white interior of it. Modern na modern talaga ang design pero ang nakakapagtaka ay walang masyadong tao dito. Mangilan-ngilan lang sila at puro mga lalake pa.

Paano kung mafia pala ang mga ito? Tapos biglang may babaril sa 'kin? Jusku naman, Alice! Ayusin mo mga desisyon mo sa buhay.

O 'di kaya mga rapist sila. Pero in fairness, lahat sila may itusra ah.

Kung may gawin man silang masama sa 'kin, at least worth it na.

"Relax, Miss. No one will harm you here." Tila nabasa niya ang nasa isipan ko kaya ngumiti nalang ako nang pilit dito.

Pagkalabas namin ng elevator ay tumigil kami sa isang black door saka niya ito pinihit. 

"This is our boss' office." He leads me inside at halos mapayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig sa loob.

Para ba akong nakapasok sa convo namin ng ex ko.

"Nasaan siya?" tanong ko nang walang makitang ibang tao sa loob kundi kami lang.

"There." Kasabay no'n ang pagpindot niya sa isang remote control at nag-on ang malaking screen sa harapan namin.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng isang black mask at nagmukha siyang a-attend ng isang mascarade party.

"Video call ba 'to?" tanong ko sa lalakeng naghatid sa 'kin dito. 

Tumawa lang ito at nagsimula nang magsalita ang lalakeng nasa screen.

"Good morning, beautiful lady. How may I help you?" Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa kanyang boses. Ang bigat kase nito at parang hindi pa ito ang totoo niyang boses. Kumbaga ay parang naka-voice change.

Na-estatwa pa ako nang ilang segundo dahil hindi ko alam ang isasagot ko. 

Damn! Bakit ba ako na-speechless bigla?

"She's here to rent, Wolf." 'Yong lalake sa tabi ko ang sumagot. Wolf ba ang pangalan ng boss niya? Kaya pala nakaka-intimidate.

"I see...for what? Do you need a boyfriend?"

"I want my ex back." 

And the room went silent...

Boy For RentWhere stories live. Discover now