12th Chapter

575 29 1
                                    

Namumuo ang pawis sa noo ko dahil sa kaba nang makarating sa hospital na tinext ni tita sa 'kin. I immediately headed at the Nurse's Station with my trembling knees.

"May I ask for Ryker Hades room number please?" magalang kong tanong. Agad naman siyang nag-type sa computer at kulang nalang ay sumigaw akong bilisan niya dahil sa atat na makita siya. 

Nakalimutan kase ni tita na sabihin 'yong room number niya at ako naman ay hindi ko na rin maalalang tanuningin sa kakamadali.

"Room 143 po, 3rd floor." Nang masabi niya 'yon ay tumakbo ako nang mabilis papunta sa elevator. Mabuti nalang ay wala akong kasabay kaya agad akong makakarating do'n.

Mahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko at doon kumuha ng lakas. I hope he's okay right now...

"Alice?" Nanlaki ang mata ko nang sumalubong sa 'kin ang mama ni Lynx pagkarating ko sa 3rd floor.

"Tita? Ano pong ginagawa niyo dito?"

It's her birthday today and I though she's having a party? Geez...hindi ko na rin pala na-inform si Lynx. Baka nando'n na siya sa school namin at kanina pa naghihintay sa 'kin!

Napansin kong maga ang mga mata ni tita na parang kakagaling lang sa matinding pag-iyak. Nandito rin ba siya para dalawin si Ryker? After all, Lynx and Ryker are close friends. Kaya alam kong napalapit na rin siya dito.

"Na-aksidente si Lynx."

I was stunned for a moment and it took me a couple of minutes before my mind processed what she said.

"P-po?"

Kanina lang ay masaya pa siyang kausap ako ah. Posible kayang magkasama sila ni Ryker kanina?

"Hindi ko alam ang eksaktong nangyari, ija. Tumawag nalang sa 'kin ang isa niyang kaibigan sa 'kin na na-aksidente silang dalawa ni Ryker. You're his ex, right?" Dahan-dahan akong tumango. Nakaramdam ako ng kirot sa salitang 'yon.

Hindi na ako nagulat na alam niya ay tungkol dito dahil alam kong nilinaw na ni Lynx sa kanila kung ano man tungkol sa 'min. Lumapit ako sa mama niya tsaka ito niyakap nang bumuhos na naman ang mga luha nito.

I can feel her pain as a mother. Pansin ko kasing sobrang close nila ni Lynx dahil sa tuwing gabi ay naririnig ko silang magka-usap. And I must admit that a mother's love is still the best.

"Can you do me a favor, Alice?" Humiwalay siya sa yakap at tinignan ako nang masinsinan.

"Ano po 'yon?" May hinuha na ako sa kung ano ang hihilingin niya sa 'kin at natatakot akong hindi ko kakayaning gawin 'yon.

"Please stay with my son," She pleaded with sincerity.

___

"Maraming salamat at nakapunta ka. Siguro mamaya-maya ay magigising na rin si Ryker."

Ngumiti lang ako ng pilit kay Tita Analyn na mama ni Ryker tsaka siya nagpaalam sa 'kin na lalabas muna dahil may bibilhin daw siyang gamot. 

Both of them are safe now and thank God because they didn't get a severe injury. Si Ryker ay may benda lang sa kanyang kamay at sa bandang gilid ng kanyang ulo dahil sa sugat. Hindi pa siya nagigising hanggang ngayon dahil na rin siguro sa malakas na impact ng pagka-aksidente nila kanina.

I stood up before walking towards his direction and stare at his solemn face. His face gives a cool impression in the eyes compared to Lynx who has an angelic face. 

"Pinag-alala mo ako nang sobra, love..." mahina kong saad dahil ayaw ko siyang magising at marinig ang sinabi ko. Kapag kase nangyari 'yon ay hindi ko na naman maiiwasan ang sarili kong magmaka-awa sa kanya.

I'm sure na kapag nandito si Lynx ay titignan na naman niya ako nang masama. It's true that he's helping me to get back with Ryker but I can feel that he's actuallly mad at me for being this weak and for the nth time, I'm so sorry Lynx for not choosing you this time.

"Mas kailangan po ako ni Ryker, tita. I'm sorry." Eto ang sinagot ko kanina sa mama niya at tumakbo palayo do'n dahil ayaw kong magbago na naman ang isip ko.

And I thought my decision will make me feel at ease but I was wrong...

Boy For RentWhere stories live. Discover now