"Get off me, Lynx!"
Hindi man lang siya natinag at patuloy lang ito sa paghila sa 'kin. Paano ba naman kase, bago pa ako maka-react sa sinabi niya ay hinila na ako nito palabas. Walanghiya talaga!
"Shut up, Alice. Baka akalain nila inaaway ko girlfriend ko."
"What?!" Tumawa lang ito sa naging reaksyon ko hanggang sa tumigil kami sa harap ng itim na kotse. Hindi ko na namalayang nasa parking lot na pala kami.
I crossed my arms as he let go of my hand. Kanina ay galit siya tapos ngayon, tinatawanan na ako? May saltik ba ang lalakeng 'to?
"Don't look at me that way. You don't know what I'm capable of," pananakot niya sa 'kin. I just rolled my eyes. Anong akala niya? Matatakot niya ako?
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya nang bigla nitong ilapit ang kanyang mukha.
Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ano bang ginagawa niya sa 'kin?
"Just be good to me, Alice and you'll be safe," He whispered on my ears. I got goosebumps to what he did.
Lumayo na siya sa 'kin saka binuksan ang pinto sa passenger seat.
"Hop in." Hindi ako gumalaw sa puwesto pero wrong move ata ang pagmamatigas ko dahil hinawakan nito ang bewang ko.
Eto ba ang magiging consequence kapag hindi ko siya sinunod? Damn! Being with him is so dangerous.
Tinanggal ko agad ang kanyang hawak saka pumasok sa loob ng kotse. Sunod naman siyang pumunta sa driver's seat at agad pang humalimuyak ang kanyang amoy nang makapasok ito.
"Your place or mine?"
"What?" I asked confused. Tumikim ito.
"I mean...where are we going to stay?"
Saglit pa akong napaisip sa sinabi niya nang maalala ko ang sinabi ni Wolf kanina.
"You need to live together."
I instantly shook my head. No, it can't be. Puwede naman sigurong hindi sundin 'yon 'di ba?
"Don't tell me, you don't know that we must be in one place from now on?" Saglit niya akong binalingan ng tingin habang nagmamaneho. Dahil do'n ay nakaisip naman ako ng paraan. I'll just pretend that I don't know anything for him to disregard that thought. I'm sure, ayaw din naman niya 'yon.
"What? I don't have any idea about that."
"Really, huh?" I saw how the side of his lips rose up in the rear view mirror.
"Ikaw ha...baka gumagawa ka lang ng kuwento."
"Why would I? And one more thing, Alice...you can't fool me. You're not even good enough to make lies because you are so obvious."
Wala na talaga akong kawala dito...
"Pero kailangan ba talaga 'yon? I mean, we can still do the mission without living under the same roof!"
Grabe na talaga itong pinasukan ko. Mas lalo akong namomroblema eh.
Una, tinawagan ko 'yong number tapos pumunta ako sa company nila. Nagbayad pa ako ng 50K na hindi ko naman pinaghirapan para lang magrenta ng isang lalake. Tapos makakasama ko pa siya sa iisang bahay? Isn't it ridiculous?
"Well, we can do it better if we're together most of the time. Makakapagplano pa tayo nang maayos. You can trust me, Alice. I respect women so bad."
Nakahinga naman ako nang maluwang sa sinabi niya pero kase...nagdadalawang-isip pa ako eh.
"Promise?"
"Promise." Tinaas pa nito ang kanan niyang kamay na parang nanunumpa. I smiled.
"May plano ka na ba?" tanong ko.
"Yep."
"Ano?"
I chose to trust him this time if I really want this mission to succeed.
"We'll make him jealous first..."
YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...