Pinagpapalo ko sa braso si Lynx nang ayaw niyang tumigil kaka-kuwento ng nangyari noon. Kasalukuyan kaming nasa garden ng bahay at nagpapahangin habang hinihintay na mahanda ang mga kakainin namin mamaya.
"Naniwala ka talagang nagd-date kami ni Nelice no'n? HAHAHAHAHA" Kung nakakamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya nilibing. Kanina pa kase niya ako pinagtatawanan dahil do'n.
Nasabi ko kaseng nagselos ako noon at galit na galit sa mga oras na pinakilala niya ito sa harap namin ng mama at kapatid niya. What the hell 'di ba?
"Tigilan mo ako, Lynx. Hindi ka na nakakatuwa."
He raised his two hands as a sign of surrender.
"Fine, baby. At least worth it 'yong pagpapanggap namin kase doon mo napagtantong gusto mo talaga ako."
Kiniliti pa ako nito sa tagiliran at walang tigil sa kakatawa sa 'kin. He really enjoys making fun of me. Sinipa ko ito sa paa tsaka ako tumayo at napagdesisyunang pumasok nalang sa loob ng bahay kesa makipag-usap sa kanya. Baka masuntok ko lang eh.
Hinawakan pa niya ako sa kamay para pigilan pero kinurot ko lang ito sa braso niya kaya siya napabitaw sa 'kin. I smirked.
Nang makapasok sa loob ay naamoy ko agad ang mga niluto nila mommy at mama ni Lynx na mga pagkain.
We're having a dinner in our house tonight with my family and his. We're not yet an official couple and he's courting me for almost three months now.
Noong unang beses na pinakilala ko si Lynx kina mommy ay noong natapos and rehearsal namin para sa graduation day namin. Agad na naman nila siyang nagustuhan dahil magalang at mabait siya pagdating sa pamilya ko. I'm not telling that he's not good at me but he really treats my family like the way he treated his parents.
Even my sister likes him for me. Si kuya naman ay proud daw sa kanya dahil hindi na siya torpe pero tinakot naman niya itong hindi ko raw siya sasagutin.
"Where's Lynx, Alice?" Mom asked as I enter into the kitchen.
Nandito rin si Lairi sa kusina at agad na nagpabuhat ito sa 'kin.
"He's outside."
"Papasukin mo na siya. Kakain na tayo."
"Saan ko ba papasukin?" sabog kong tanong.
Nakaramdam ako ng malakas na batok kay kuya na kakapasok lang. Binaba ko muna si Lairi saka siya tinignan nang masama.
"Bibig mo, Alice. Ganyan ba tinuturo sa 'yo ni Lynx?" maangas niyang tanong. Inikutan ko siya ng mata.
"Utak mo rin kuya, paki-linis. Ganyan ba epekto ng walang jowa?"
Nag-walkout na ako do'n tiyaka ako lumabas at tinawag si Lynx na kausap pala ni daddy. Ngumiti ito nang makita ako at sinenyasang lumapit. Agad niya akong inakbayan nang makalapit ako.
"Alice...as your dadddy, I am now giving my permission for you both to be finally together."
Hindi ko inaasahang marinig 'yon mula kay daddy. Tinapik nito ang balikat ni Lynx saka kami iniwan.
One of the reasons why I still didn't give him yes is that, I want to be whole again, I mean to be myself again. Masyado akong nasaktan noong iniwan ako ni Ryker at nagpakababa ako sa sarili ko at nagmakaawa sa kanya nang lubos.
Hinintay ko munang mapatawad ko nang lubusan ang sarili ko bago tumanggap ulit ng panibagong pagmamahal. I want to be free and to be happy first by loving myself and I really did it now! I surpass the challenge and I know this time, there's no way to delay anything, even my love for Lynx.
Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa 'kin. Nagtatakang tinignan pa niya ako pero ngumiti lang ako nang matamis sa kanya. Sinabayan niya ang titig ko.
"Hmm...thank you, Lynx. You don't know how you helped me for fixing myself again. I've been so weak for all the time that you even feel disappointed on me before. Pero lahat ng masasamang salitang sinabi mo sa 'kin noon ay hindi ko pinagsisisihang narinig 'yon mula sa 'yo."
He held my hand tightly.
"Ikaw ang bumuo sa 'kin ulit. Ikaw ang nagbigay ng kakaibigang atensyong akala ko ay hindi ko na makakamit pa. Nagsakripisyo ka para lang sa ikakabuti ko. Naging madamot ka sa sarili mo dahil pinili mo ang kasiyahan ko kesa 'yong gusto mo at higit sa lahat... Ikaw ang nagparamdam ng pagmamahal na matagal ko nang hinihiling sa Diyos. I love you, Lynx and it's a yes...I'm now your girlfriend!"
Namuo ang luha sa 'king mga mata nang makitang pumutak ang luha niya sa lahat ng sinabi ko. This time, I can feel that I'm with the right person already.
"Shit! I love you so much, Alice. You know, I'm not that vocal so let me do this with you..."
I felt his lips brushed mine. The moment I closed my eyes, I know it's the best feeling ever.
Narinig kong may pumalakpak pero walang nagtangkang humiwalay sa halik. Hindi ko pinagsisihang sagutin siya at ipakitang mahal ko ang lalakeng 'to sa harap ng pamilya namin.
A simple lesson: Don't be afraid to confess your feelings to someone. Be afraid to watch that someone be with someone else who isn't you without even trying to show him/her what you really feel.
Sacrifice is a hard thing to do but it's so worth it.
This may be the start of our new level together and we'll be experiencing a lot of obstacle again but I'm not afraid anymore because I have the best man beside me.
Our family witnessed how we became an official couple and I pray that at this exact date, they will also witness us in front of the altar exchanging our ' I do's' at the right time...
E N D
YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...