Pakiramdam ko ay pulang-pula pa rin ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan. Kulang nalang ay sumiksik ako kay Lynx para itago ang hiya dahil marami ang nakatingin sa 'kin. Pero ang gago, tinatawanan lang ako.
"Ang epic mo, Alice. Hindi mo naman sinabing gusto mo pa lang mag-ano tayo. HAHAHAHAHA"
Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang nasapak ngayong araw pero parang wala lang 'yon sa kanya.
"Stop, Lynx. It's not funny anymore." Humalukipkip ako at mas naunang maglakad sa kanya. Iniwan muna niya ang mga pinamili sa kotse at ngayon ay naglilibot nalang kami.
I wanted to go home already but Lynx always stops me. Wala naman akong magawa dahil wala siyang tigil sa pang-blackmail sa 'kin. Sa tuwing magmamaktol ako ay akto niyang kinukuha ang phone para tawagan si Chezca na gusto raw ni Ryker. And seriously, he's so annoying!
Ang hirap-hirap pakisamahan ng lalakeng 'to. Napakabipolar pa.
"Are you not going to buy anything?" He asked while we're walking and do window shopping.
"I'm not in the mood." Narinig ko ang pagsinghap niya.
I flinched when he suddenly hold my hand. I tried to remove his hand on mine but he just tightened the grip.
"Look Alice, I'm sorry. Can you just try to act normal when you're with me? I mean like we're really close." Doon na niya nakuha ang buong atensyon ko. I smirked before looking at him directly at his eyes.
His thick eye brows and almond eyes are giving me chills so I avoided his stare immediately.
"How can I do that? I don't even understand your real intentions on me. Parang kahapon lang galit na galit ka sa 'kin tapos ngayon naman ay parang wala lang ang lahat sa 'yo!"
I don't have any motive in making a chaos with him right here at this public place. I just can't stop myself now...
"You don't get it do you? Kaya nga biglang nagbago ang trato ko sa 'yo dahil gusto kong magawa nang maayos ang trabaho ko. And yes Alice, galit ako sa 'yo pero kaya kong ilugar 'yon para sa trabaho ko." Bumigat ang paghinga nito na parang nagpipigil din ng emosyon.
Mali talagang siya ang binigay sa 'kin ni Wolf tapos kung tutuusin ay tatlong buwan pa kaming magkakasama. Paano pa namin mapagtatagumpayan ang plano kung ganito kami?
I know he's trying so hard to keep up with me even though it can lower his dignity. Nagpapakaplastic siya sa 'kin at ayaw ko 'yon.
"Puwede ka pa bang palitan?" nagdadalawang-isip kong tanong dahil baka magalit na naman siya.
"You can't change me. Just accept the fact that I am destined to be your partner for 3 months." Tumalikod siya sa 'kin tsaka ako iniwang parang tanga do'n.
Arrggg!
Malalaki ang kanyang mga hakbang kaya kinailangan ko pang tumakbo para lang makahabol sa kanya.
"Lynx!"
"Hoy! Hintayin mo ako. Ano ba!"
Sigaw lang ako nang sigaw do'n pero hindi niya pa rin ako nililingon. Sanay naman na ako sa atensyon ng mga tao dahil sa mga pinaggagawa ko kay Ryker kaya isinawalang-bahala ko nalang.
"Lynx! I'm sorry!" This time ay tinanggal ko na ang sandal na suot ko at binato sa kanya. Natamaan ang kanyang likod at alam kong medyo masakit 'yon dahil malakas ang binigay kong impact.
Sa wakas ay tumigil na rin siya sa paglalakad pero hindi niya pa rin ako nililingon. Ang taas talaga ng pride niya!
Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko palapit sa kanya nang mahagip ng mga mata ko ang lalakeng dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyon na 'to.
Ryker...
He's with a girl and they look so happy.
Tumibok nang malakas ang puso ko nang mapatingin siya sa gawi ko at biglang nawala ang kanyang ngiti. Tumingin din siya kay Lynx na ilang metro nalang ang layo sa 'kin. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero bigla ko nalang itong naisigaw dahilan nang pagsulyap ni Lynx...
"Lynx baby! Wait for me!"

YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...