"Listen to me, Alice!"
Huminga ako nang malalim dahil alam kong kapag pinatulan ko pa siya ay mauuwi lang ulit sa away.
Nakauwi na kami ngayon at kasalukuyan kaming nakaupo sa living room ng condo ko. Pasado alas-kuwatro na ngayon ng hapon at ngayon ko lang din ako nakaramdam ng gutom. Dumaan pa kase kami kanina sa bahay nila para kunin ang mga gamit niya.
At alam niyo kung anong palusot ang sinabi niya sa parents niya?
"Magtatanan na po kami ng girlfriend ko, ma, pa..."
Kinurot ko siya sa tagiliran pagkatapos no'n dahil dinadamay pa ako sa kalokohan niya. Mabuti nalang at aware sila sa trabaho ni Lynx kaya ayun at napayagan din siya agad.
"Ano ba kase 'yon?! Puwede bang mamaya nalang? Pakainin mo muna ako." Binato ko sa kanya ang unan sa tabi ko na agad naman niyang nasalo. Inikutan ko lang ito ng mata nang mas lalo sumama ang tingin niya sa 'kin.
Pinagpatuloy ko ang pag-kain sa BTS meal na nilibre niya para sa 'kin kanina. Pambawi raw sa nasabi niya kay Ryker. Hindi ko kase siya inimik pagkatapos no'n dahil sa sobrang inis. And I had no choice but to explain my side just for him to shut his mouth.
"Akin na 'yang nuggets at susubuan nalang kita." Tinampal ko ang kamay niya nang subukan niyang agawin ang pagkain ko.
"Yawa ka! Puwede bang manood ka nalang diyan o 'di kaya ay kumain at huwag mo akong guluhin dito kundi pupunta na ako sa kusina."
Mas gusto raw kase niyang dito kumain sa sala at iiwan ko sana siya dahil mas sanay ko sa kusinang kumain kaso nagmakaawa namang sabayan ko siya at huwag iwang mag-isa dito. Tsk.
I really hate his guts. Ako ang nag-rent sa kanya pero parang ako pa 'yong puro sunod sa utos niya.
"Do you have any work to do after eating?" Uminom ako ng coke bago siya sagutin.
"May homework ako baket?"
"Want me to do it? Baka sabihin mo kaseng wala akong kwenta at sayang 'yong pinambayad mo kay Wolf," seryosong saad niya. He sounds sarcastic but I can see through his eyes that he's being sincere.
"Fine. Siguraduhin mo lang alam mo ang isasagot do'n ah kundi lagot ka sa 'kin kung bumagsak ako."
"Ano namang gagawin mo?" Tumaas ang isa niyang kilay at hinintay ang sasabihin ko.
"Hmm...susununugin ko mga brief mo."
Hindi ko na napigilan ang mapatawa nang malakas dahil sa reaksyon niya. He looks so hilarious! Kung puwede lang na kunan 'yon ng litrato eh. Para siyang naunahan sa pagpasok sa CR dahil sa natatae.
"Ah gano'n?" Agad nawala ang tawa ko nang mapalitan nang nakakalokong ngiti ang mukha niya. Umangat ang sulok ng kanyang labi at tinignan ako na parang may balak na masama. Hindi agad ako nakagalaw sa puwesto ko nang mabilis itong lumapit sa 'kin at kiniliti ako.
Fvck!
I lose again...
Lynx's POV
Dalawang oras na rin ang nakakalipas nang matapos kong makipag-asaran kay Alice. She's now sleeping peacefully on her bed and her face is like a magnet that's attracting me to stare at her deeply.
"That jerk is so lucky..." I whispered. Ayaw ko siyang magising dahil alam kong pagod na siya sa mga nangyari ngayon at ramdam na ramdam ko rin ang sakit na kanina pa niya pilit na tinatago kanina. She can't hide anything from me because I've been there too.
If I were on her shoes, I would also feel the same. I know how she stopped herself a while ago to beg a chance from his ex again. She doesn't deserve all of these. Alice is so precious and all she wanted is to be loved by the man he love but sad to say, he can't give that to her.
I can't deny the fact that I am so mad at myself for being a coward for so many years now. And now that I already had the chance to help her, I'm gonna give all my best to save her from having a tragic story.
"Sleepwell, Charlotte. We're gonna fight this together..."
YOU ARE READING
Boy For Rent
Fiksi RemajaI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...