Sumalubong sa 'kin ang modernong style ng two storey house nila Lynx pagkalabas ko ng taxi. Sinabi sa 'kin ng mama niya na pumasok na raw ito kahapon sa school nila dahil maayos na ang pakiramdam nito.
I feel so comfortable around her while she's updating me about his son.
"Ate Alice?!"
Masaya kong binuhat si Lairi nang tumakbo ito palapit sa 'kin. Siya ang nakababatang kapatid ni Lynx na 6 years old pa lang. She's really fond of me that's why I like her so much too. Ako kase ang bunso sa 'min kaya hindi ko alam ang feeling na may nakababatang kapatid kaya masaya ako nang magkasundo kami.
"Hi, baby! Did you miss your ate?" I put her down and kissed her chubby cheeks. She giggled when I did that.
What a cutie...
"I miss you so much ate. Why didn't you visited me and my kuya?" She pouted. Doon ko na hindi napaigilan ang nararamdaman at niyakap siya.
I don't know why but they're like a family to me. Maybe I was longing for my siblings too because I only see them when it's vacation. Even my parents are so busy with their own business.
"I'm sorry, baby Lairi. Ate Alice will make it up to you, okay? What do you want?"
Hinawakan ko ang kamay nito saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay nila kasama ang kanyang nanny. Medyo feel at home na rin ako sa bahay nila kaya hindi na ako masyadong mahiya na pumasok doon. Pero may kakaiba lang ngayon...
Nang makarating sa loob ay lumabas si tita galing sa kusina na naka-apron pa. I guess she's baking again when I smelled the sweet aroma of chocolate all the way from here.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
"Pasensya na, ija kung amoy harina pa ako." Sabay kaming natawa sa sinabi niya at agad naman akong umiling.
"Ang sarap po kaya sa ilong, tita."
Hinila niya ako papasok sa kusina at mas lalo akong natakam nang makita ang cupcakes sa ibabaw ng counter. Naglalagay na siya ngayon ng icing.
"I'm so glad that you finally came here!" I just smiled awkwardly at her.
Inaamin kong nag-guilty din ako dahil sa pagtanggi ko sa kanya no'n at ngayon ay trinatrato pa rin niya akong wala lang sa kanya ang nagawa ko. I don't think I deserve this kind of treatment from her. Their family is so good to me.
"Uhm...nakauwi na po ba si Lynx?" Sa wakas ay nakuha ko na ring itanong sa kanya 'to. Ngumiti siya nang nakakaloko sa 'kin pero hindi ko nalang pinansin 'yon.
Alam ko kaseng boto siya sa 'kin para sa anak niya pero alam ko sa sarili kong hanggang kaibigan ang kaya kong ibigay dito. Lynx is a good guy and he deserves a genuine love from someone and that's not me.
"Siguro mamaya ay uuwi na rin 'yon. Nag-text kase siyang on the way na ito." Tumango nalang ako sa kanya at nakipaglaro muna kay Lairi na nakaupo na ngayon sa may bar counter nila.
Some thoughts keeps on hunting me and I badly wanted to ask her about it.
"Tita...nai-kuwento na po ba ni Lynx kung paano sila na-aksidente ni Ryker?"
Sobra akong nahihiwagaan kung paano nangyari ang lahat. Pakiramdam ko ay may sikretong nakakubli do'n.
"Oo pero ayaw kong sa akin mismo manggaling 'yon kaya kung gusto mong malaman, kay Lynx mo itanong." Sakto no'n ang pagtawag ni Lairi sa pangalan ng kuya niya.
Kumalabog ang puso dahil do'n...
After almost a week ay magkikita na ulit kami at akala ko handa na akong harapin siya ngunit sumiklap ang kaba sa dibdib ko nang pagharap ko ay sumalubong sa 'kin ang walang emosyong niyang mga mata niya at isa pang dahilan kung bakit ako nawalan ng gana ay nang makitang
naka-akbay siya sa isang babae...
YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...