Kasalukuyang nagpa-park ng kotse ngayon si Lynx at ako naman ay naghihintay sa kanya sa entance ng mall. Hindi ko nga inaasahan na dito niya ako dadalhin eh. Sabi niya kase ay mag g-grocery siya para may ambag siya sa condo ko.
And yeah, He blackmailed me that's why I agree to the deal. Irereto niya raw si Ryker sa babaeng nagugustuhan niya ngayon at ako naman si tanga, syempre napa-oo na ako.
"Let's go?" After a few minutes of waiting, he finally came back.
I look at him with an awe. He's wearing a plain gray shirt and a faded pants. Bagsak ang buhok nitong halatang malambot. Idagdag pang may maliit na piercing sa tenga nito and shiz...he smell so good!
I can't hide the fact that I am admiring him now because of his looks. Alam kong hanggang doon lamang 'yon dahil mas matimbang ang nararamdaman ko kay Ryker.
"Bakit kase kailangan pang mag-grocery? Marami namang stocks sa bahay." Kagagaling ko lang kase sa supermarket last week at hindi naman ako gaanong nag i-stay doon dahil madalas akong nasa school. Nakakalimutan ko rin minsang magbaon dahil madalas naman ay sina Arturo at Olivia ang kumakain.
"It's for me, Alice. Hindi naman kita bibigyan eh." And that shut me up.
Napahiya ako do'n ah...
Dumiretso kami sa grocery section at taimtim pa akong nagdasal na sana ay wala kaming makasalubong na kakilala ko. Lalo na kapag schoolmate ko o nila Lynx dahil siguradong pagchi-chismisan na naman ako.
"Do you have any problem? Bakit parang hindi ka mapakali diyan?" Tinignan ko si Lynx na kumuha ng cart.
"Baka kase may makakita sa 'tin dito," mahina kong sabi pero alam kong narinig niya naman ako nang mabuti.
"Malamang makikita nila tayo dahil may mata sila. Tsk."
Gustong-gusto kong hablutin 'yong pampers na nasa gilid ko ngayon at itapon sa pagmumukha niya. Pilosopo amp.
No choice kundi sumunod nalang sa kanya. Baka makalibre pa ako neto.
Dumiretso siya sa mga may junk foods. Natakam pa ako ng makita ang Doritos, Ruffles, Piattos, Vcut, Cheetos...
"You can get anyone you want." Kulang nalang ay mapatalon ako sa gulat nang maramdamang nasa tabi ko na pala siya.
"Babayaran mo?" I asked while hoping and he genuinely smiled.
"Ako magbabayad basta pera mo."
Hindi ko pa nababara nang guluhin na naman niya ang buhok ko at mabilisan akong iniwan. Lintek niya!
I didn't know that he has this childish side! Argghh.
Noong kami nga ni Ryker ay laging ako ang nang-aasar sa kanya at siya 'yong laging pikon hanggang sa nauuwi na sa away. Haysss...kahit hindi ko siya kasama ay siya pa rin ang naiisip ko.
If we aren't really for each other, at least I can finally get over him at the right time.
Hindi na ako kumuha ng gusto ko at pinili nalang na hanapin si Lynx. Mabuti nalang at hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nasa pasta section naman siya ngayon.
"Nakakaumay naman dito puro pagkain," dinig kong reklamo niya. My brows suddenly arched.
"Sabog ka ba? Malamang grocery 'to." Timingin siya sa 'kin nang masama kaya nagpameywang ako sa harapan niya. Aba...siya pa may ganang magsungit ngayon?
"Whatever."
Puro siya reklamo pero halos mapuno naman ang cart niya.
"Wala ka talagang gusto? Libre ko na." tanong niya sa 'kin habang nagbabayad sa counter.
Napaisip naman ako saglit nang mamataan ko ang isang candy na nasa counter. Kulay red 'yon kaya alam kong strawberry flavor siya. Favorite ko kase 'yon eh.
"Seriously, Alice?" manghang tanong niya sa 'kin.
"What? Sasabihan mo akong isip-bata? Basta bayaran mo na 'yan." Umirap ako.
"Fvck! That's a freaking condom not candy!"
At doon na namula ang mukha ko nang mapatingin ang iba sa 'kin at ang babae sa cashier ay nagsimulang tawanan ako...

YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...