"Kuya! Ate Alice is here!"
Inalalayan ko pababa si Lairi nang sabik na sabik itong tumakbo at yakapin ang kuya niya. Gusto kong makaramdam ng saya dahil do'n pero bigla akong namanhid.
Why am I suddenly acting like this? Lynx is just staring at me blankly and I hate it. I prefer if he's showing me that he's mad than being this cold.
"Who is she kuya?"
Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng kasama niya. I arched my brows when I finally noticed that she's wearing the same uniform as mine. I bet she's my schoolmate but she isn't familiar to me either. Pero sabagay, hindi naman ako nag-aaksaya ng panahon para kilalanin ang mga nag-aaral do'n.
"She's Nelice, the girl I'm dating."
Everyone went silent after that unexpected announcement. Kung hindi pa lumapit sa amin si tita ay hindi pa ako matatauhan. Nagmistula akong statue sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa gulat.
Hindi man lang ako nakapaghanda...
"Really kuya? I thought Ate Alice is your girlfriend." I saw how Lairi's face turned into a sad one. Si tita naman ay nakipagkamay kay Nelice. She has a morena skin color and shorter than me. She's beautiful but I don't seem to like her at all.
Hindi pinansin ni Lynx ang sinabi ni Lairi sa halip ay nagpaalam itong pupunta muna raw sila sa sala pero bago pa siya tuluyang tumalikod ay nilakasan ko na ang loob kong hawakan siya sa kamay at hilahin.
Ramdam kong nagulat ang lahat sa ginawa kong 'yon...maging ako pero bahala na! I badly want to talk to him and if this will not happen now, I don't know when to have a chance again.
"Alice." Nanlamig ako nang marinig ang boses niya.
I miss hearing his husky tone...
Laking pasasalamat ko nalang at hindi niya ako pinigilan at kusang sumunod sa 'kin. Gano'n pa man ay hindi ko tinanggal ang pagkakahawak sa kamay niya at gano'n din siya. Dinala kami ng mga paa namin sa mini garden nila.
Then he let go of my hand...
Tumikim ako bago magsalita. "Kumusta ka na?" I swallowed hard when I feel that my throat is running dry and I guess it's because I feel so uneasy now.
"I'm good, not until you came."
Naging doble ang dating no'n sa 'kin pero pinabayaan ko nalang. Nakaharap siya sa mga bulaklak at pinaglalaruan ang isang maliit na bato at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
"I'm sorry, Lynx. Mas pinili ko si Ry-
"Stop, Alice. I get it now. Na kahit ako pa 'yong palaging nasa tabi mo ay hindi pa rin ako ang pipiliin mo at tanggap ko na 'yon. So please, leave now. Masyado mo nang pinapamukha sa 'kin na wala akong kwenta sa 'yo."
Hindi ko lubos makuha ang gusto niyang iparating dahil naguguluhan ako. Bakit ganito ang mga sinasabi niya sa 'kin? Para bang may pinanggagalingan ang mga hinanakit niya.
"How 'bout our m-mission?" My voice broke.
Papaalisin na niya ako huh? Does it mean that he's also going to leave me behind?
"Hayaan mo muna ako. Marami pa namang oras para sa plano at huwag kang mag-alala...tutulungan pa rin kita."
Gusto ko siyang suntukin sa mga oras na 'to dahil ginugulo niya ang isipan ko.
"What's really happening to you, Lynx? I don't get you. Bakit bigla ka nalang naging ganito? Dahil hindi kita piniling bantayan noon? At hindi ako nagparamdam sa 'yo ng ilang araw? Eh ano ba kase ako sa 'yo? Tell me, Lynx! Ano ako sa 'yo?!"
Tumulo ang hindi inaasahang luha mula sa 'king mata. I hate this feeling. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon at gano'n nalang ang inis ko sa lalakeng kausap ko ngayon. Naguguluhan na ako!
"Wala, Alice. Binaon ko na sa limot ang lahat."
Napaupo nalang ako sa damuhan at sinubsob ang mukha ko sa daalwang kamay ko at doon umiyak...
YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...