9th Chapter

559 25 0
                                    

Alice's POV

I lost count on how many times I stopped my alarm clock from ringing. 

"Wala ka bang balak pumasok ngayon?" Hindi na ako nagtaka nang nakapasok na naman siya sa kwarto ko.

For the past one week, all he did was to annoy the hell out of me. Kung dati ay nagigising ako sa alarm clock ko, ngayon naman ay dahil sa mga sermon niya. 

Inis akong bumangon at sinipa ang unan na nahulog sa kama ko at dumiretso sa banyo.

"Such a brat," He retorted. 

Isang linggo pa lang ang nakakalipas ay ang dami agad nangyari sa 'min. And as usual, hindi nakukumpleto ang isang araw na hindi kami nangbabangayan. Siya na rin ang naghahatid sa 'kin sa school at talagang hindi ako tinitigilan nila Arturo at Olivia sa kakapilit sa 'kin na magkwento. 

I just told them that Lynx is courting me even though I'm disgusted with that thought. No choice but to also lie to them...

At syempre, lagi pa rin akong pumupunta sa school nila Ryker pero ang pinagkaiba nalang ay dahil 'yon kay Lynx. Plano kase naming paniwalahin siya na naka move-on na ako sa kanya at si Lynx na ngayon ang totoong gusto ko.

He seems to not care at all and that's the reason why I always want to give up. Sinisisi ko nga rin minsan si Lynx dahil parang walang patutunguhan ang kanyang plano pero lagi niyang pinapaalala sa 'kin na...

"Trust the process, Alice. We need to make him believe that you've changed for the better and he will eventually get mad and think that he wasted such a perfect girl like you."

Pero imbes na matuwa ako sa kanya ay mas lalo akong naiinis dahil parang gusto niyang sirain ang reputasyon ko kay Ryker.

After more than 30 minutes of taking a bath and fixing myself, I hurriedly went outside of my room as I smell the food that Lynx is cooking. It's pancake and a tapsilog for breakfast!

Masarap siya magluto kaya kahit papaano ay may pambawi naman siya sa mga pang b-bwisit niya sa 'kin.

"Dadalaw sina mommy at daddy dito mamaya kaya hindi na tayo magsasabay pauwi," saad ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko nang matapos siya magluto.

"Okay...may lakad din kase kami mamaya ng tropa."

"Saan?" tanong ko. Sumubo ako ng kanin at halos mapapikit pa ako sa sarap. I'm not really a fond of eating rice in the morning but I just can't reject his delicious dishes. 

Ang dami niya pang alam lutuin. Damn! Nakakainggit.

"Sa bar."

"Bar?!" Buti nalang ay nalunok ko na ang kinakain ko kundi nabulunan na ako.

"Why? May problema ka ba do'n?" taas-kilay niyang tanong.

"Eh 'di ba maraming sexy na babae do'n tapos maglalasing din kayo?" Ryker can't be with them! Baka madaming aaligid sa kanya do'n pero paano kung kasama niya si Chezca? Posibleng iinom din silang dalawa tapos malalasing at- Shit! Nagiging OA na naman ako.

"So? Bawal?"

Ininom ko muna ang Milo na tinimpla ko kanina tsaka siya sinagot.

"Bawal si Ryker do'n!" Muli niyang binigay sa 'kin ang masamang tingin. Alam kong sa galit na naman siya dahil umaakto na naman akong parang girlfriend pa rin.

I just want to avoid the possible circumstances...

"Akala ko naman ako ang pagbabawalan mo," bulong niya.

"Huh?" 

Umiling ito at tinuloy na niyang kumain. Nanibago pa ako dahil hindi na niya ako pinansin pagkatapos no'n.  After eating, I volunteered to wash the dishes since he's the who cooked.

"Lynx, may nagd-door bell! Tignan mo nga kung sino baka sina Olivia 'yan," utos ko sa kanya nang marinig ang door bell. Sila lang naman kase ang kilala kong pupunta dito dahil paminsan-minsan ay gusto nilang sabay kaming tatlong pumasok.

"I don't know them." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kilala naman niya sina Olivia kaya sigurado akong nagsasabi siya ng totoo. 

Hinugasan ko ang kamay ko at nagpunas saglit bago pumunta sa may pintuan. Sinilip ko ang peep hole at para bang nilubayan ako ng kaluluwa ko sa bumungad sa 'kin.


It's my parents...

Boy For RentWhere stories live. Discover now