3rd Chapter

676 33 0
                                    

I blinked my eyes for a couple of times. Nagbabakasakali akong namamalik-mata lang ako. Why is Lynx here? Is he working here? Kung gano'n...siya ang nirentahan ko?!

Fvck. I'm doomed...

"Lynx, ikaw na bahala kay Miss-

"I'm Alice."

"Oh yeah...Alice. You can stay here to settle things. I'm leaving now." Bago pa siya tuluyang makaalis ay hinawakan ko sa braso si Friv para pigilan.

"Uhm...siya ba ang tinutukoy ni Wolf?" Please say no...

"Yes."

Wala na ba akong takas dito? Puwede ko pa bang bawiin 'yong pera ko? Pero bigla kong naalala na tapos ko na rin palang pirmahan ang kontrata. What if I rip it?

"Wala na bang atrasan 'to?" Tumawa ito sa tanong ko. 

What I said is not funny at all! How can I continue this if Lynx is the one I rented? Bakit kase hindi nalang ako ang pumili? Pero alam kong wala ring silbi dahil si Wolf ang mas nakakakilala sa kanila.

I bet, there's a lot of guys here but why Lynx?

Mabuti sana kung hindi sila magkaibigan ni Ryker pero paano na ngayon? We aren't even in good terms! Galit pa nga siya sa 'kin dahil sa pagpupumilit ko sa sarili ko sa kaibigan niya.

"Remember the second rule? Don't ditch us, Alice." He smirked.

Wala na akong nagawa kundi tumango at napasapo nalang ako sa noo ko.

Pagkatapos niyang patayin ang screen ay nagmadali na itong umalis ng office. So...what now?

Lynx is sitting on the couch while playing on his phone. Should I approach him first? Our last conversation isn't that good and I can't blame myself for being so annoyed right now.

Baka imbes na matulungan ako nitong maibalik si Ryker sa 'kin ay mas palayuin pa niya ako sa kanya.

"Why are you here?" malamig na tanong niya.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"To rent," I answered obviously.

Agad nitong pinatay ang phone niya at nilagay sa bulsa ng kanyang pants bago naglakad papunta sa direksyon ko. He didn't remove a single glance on me that made my knees tremble. Bakit kase ganito ang epekto niya sa 'kin?

Dati pa ay parang hindi na ako kumportable kapag nandiyan siya.

"Are you really out of your mind? You're insane, Charlotte Alice Rey. You've already crossed the line for being so obsessed with your ex boyfriend." 

"You don't know anything, Lynx. You're judging me too fast. Aren't you the one crossing the line?" I mocked him. Tumaas ang kilay nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Wala na akong pakialam sa perang binayad ko at gusto ko nalang tumakas sa lugar na ito, kung saan malayo sa kanya. Hindi ko siya kayang pakisamahan. Kayang-kaya ko namang makuha ulit si Ryker kahit walang tulong niya.

"Listen, Alice. No matter how I contradict with your mindset, I still can't do anything about but I need to work on my job."

"Are you saying that you're going to help me?" I grinned. Nagbago ang ekspresyon nito sa mukha at naging seryoso na ito ngayon. 

Mas gusto ko ata 'yong galit siya kesa ganito dahil parang iba ang kaharap ko.

"I will help you but in one condition." 

"What?"

"If we fail into this mission, you'll be mine..." He flashed his devilish smile.

My smile faded to what he said...

Boy For RentWhere stories live. Discover now