Natataranta ako humarap kay Lynx na nagtatakang nakatingin sa 'kin.
"Sina mommy! Andiyan sa labas. Anong gagawin natin?" Muli siyang sumilip sa peep hole pero hinila ko ang damit nito.
"Edi ipakilala mo ako," simpleng sagot niya. Nahihibang na ba siya?
Istrikto pa naman sila lalo na si mommy at talagang malalagot ako kapag nalaman nilang may kasama akong lalake dito.
"Are you crazy?! Papagalitan nila ako!" Muli ko siyang hinila papunta sa kwarto ko.
Ang lakas na rin ng kabog sa dibdib ko dahil sa kaba.
"Pumunta ka muna do'n sa balcony ko. Doon ka magtago!" Tinulak ko siya papunta do'n pero dahil mas malakas siya, nahawakan niya agad ang dalawa kong braso para pigilan.
"Chill, Alice. Mas lalo ka nilang mahahalatang may tinatago kapag ganyan ka. Go and face them. I'll hide myself."
Sinundan ko ito ng tingin at nang makasigurong nakatago na siya ay lumabas na ako. Para kaming tanga na nagtataguan ngayon. I breathed heavily as I opened the door.
My dad seems so happy to see me while my mom is looking at me seriously.
Uh oh...
"Uhm...good morning po! Ang aga niyo naman po atang dumalaw? Akala ko mamayang hapon pa." Laking pasasalamat ko at hindi ako nautal sa harapan nila.
"Are you not going to let us inside?" Tumikim ako nang magsungit na naman si mommy.
Dad laughed at her and put his hand around my mom's shoulder. I gave them space to enter inside. They're still so sweet like before. Kawawa tuloy si daddy dahil nagmukha siyang under kay mommy.
"What took you so long in opening the door?"
Sabay kaming naupo sa sofa. Magkaharap kami ni mommy kaya mas lalo akong kinakabahan. Kinuha ko muna ang maliit na unan tsaka pinatong sa lap ko gaya ng nakagawian ko.
"Nasa CR po kase ako tsaka hindi ko rin narinig agad," palusot ko. Tumango-tango si daddy pero si mommy ay tinitigan pa ako na parang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo o hinde.
"Really huh." She smirked. I felt goosebumps because of that. Ganito rin ang nagiging reaksyon ko sa tuwing ginagawa 'yon ni Lynx. Argghh! Why do I feel so weak when it comes to them?
Mabuti nalang at magkakampi kami ni daddy kaya kahit papaano ay nababawasan 'yong kaba sa dibdib ko. Saktaong nilapitan naman ako ni daddy at niyakap.
"I miss you, Alice. You're now a big girl so I believe you." Ngumiti ako sa kanya nang humiwalay siya ng yakap.
"Kinukunsinti mo naman?" Tinawanan lang ni daddy si mommy na mas lalong kinasama ng timpla nito.
"C'mon honey. It's been more than a week since we visited our baby and you're being mad at her again."
"She's not a baby anymore and Alice, are you doing well in your studies?"
Ngumiti ako nang matamis dahil sa tanong niya. Sa katunayan nga ay excited pa akong ibalita sa kanila na napabilang ako sa may honor list na once in a blue moon lang mangayri. Nilalaro ko lang kase ang pag-aaral minsan at isama pang tamad ako kaya ito rin ang dahilan kung bakit lagi akong napapagalitan.
"Mom, dad, I belong to with honors this sem!" Niyakap ulit ako ni daddy and this time ay mas mahigpit na. Sumilay din ang ngiti sa labi ni mommy kaya mas lalong nadagdagan ang sayang nararamdaman ko.
"Nice one! We need to celebrate it then. Maybe a dinner date will do," Mom sincerely said. She's not a vocal person but I know she's so proud of me based from her actions.
"We're so proud of you, Alice," Dad said.
All my achievements are credits to Lynx because he helped me so much with my studies. He just didn't help me with Ryker but also with the importants aspects in my life. He's not that nice sometimes but he's been a good influence to me.
"Teka...kaninong boxer 'yan?"
Tinignan ko ang tinuturo ni mommy at nakita ang isang boxer na nakatago sa ilalim ng unan. Geez...
Bigla akong namula dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Lintek Lynx! Pinapahamak mo talaga ako.
"A-ano kase...kay A-rturo po 'yan...oo kay Arturo hehe." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang hiya. Ano bang klaseng palusot 'to. Bakit ba naman kase iniwan niya ang boxer dito sa sala!
"Really? Ang laki naman ng ano niya." Napaubo ako sa sinabi ni dad na hawak na rin ngayon ang boxer.
"No'ng isang gabi kase ay nag-sleepover sila ni Olivia dito. Alam niyo namang makalat ang mga 'yon hehe..." Pilit pa akong tumawa para itago ang kasinungalingang pinagsasabi ko.
Napasapo nalang ako sa noo ko at mukhang mas nai-stress pa ako sa kanila kesa sa pag-aaral at sa mission namin ni Lynx.
"Mom, dad, I need to go to school already."
I glanced at my wall clock and it's already 8AM and my class starts at 8:15! Ang ganda nga naman talaga ng bungad ng araw ko oh...
"Okay."
YOU ARE READING
Boy For Rent
Novela JuvenilI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...