Nakayuko akong pumasok ng room pagkatapos kong makakuha ng admission slip mula sa POD namin. Swerte ko lang dahil busy sa pagsusulat si Ma'am Carla sa board kaya hindi niya ako napansin.
"Ba't ka late sis?" bulong na tanong ng katabi kong si Olivia. Nilapag ko muna ang shoulder bag ko sa upuan tiyaka ko siya binalingan ng tingin.
"Bumisita sina mommy."
Sinenyasan ko siyang mamaya nalang ulit kami mag-usap dahil nagsimula nang mag-discuss si ma'am sa harapan. At kung minamalas nga naman, may surprise graded recitaion pa kami ngayon at ako ata ang paborito niya dahil ako ang una niyang tinawag.
"Kaya mo 'yan! Tinuruan ka naman ng bebe Lynx mo eh." I rolled my eyes to Olivia but she just laughed at my reaction. Seriously, she isn't helping me at all. Mas lalo akong kinakabahan eh.
Talagang kahit nasa isang seryosong sitwasyon ka na ay hindi nawawala ang pang-aasar ng mga kaibigan mo. Pero kahit na gano'n ay grateful pa rin ako dahil kahit papaano, alam kong hindi ako mag-isa.
"So...Ms. Charlotte Alice Rey, since you're late today, can you tell something about our lesson for today?" Hindi siya terror na teacher pero pagdating sa mga late ay talagang gigisahin ka sa recitation.
Sinulyapan ko ang mga sinulat niya sa board at kahit nakakadugo ang mga 'yon ay piniga ko talaga ang utak ko para intindihin 'yon.
My classmates are also watching me and waiting for my answer. Some of them are smirking at me I knew by that time that they're already judging me inside their mind. Ewan ko sa nga sa kanila kung bakit ayaw nila sa 'kin. Buti nalang at may dalawa pa akong kakampi dito.
"It is said that politics is the art of government, the exercise of control within the society through the making and enforcement of collective decisions."
I kept my head up high as my teacher smiled at me as a sign that she's satisfied with my answer. Umirap naman sa 'kin ang ilang mga kaklase ko at si Olivia naman ay pinalakpakan pa ako kaya siya tuloy ang sunod na natawag.
Nakahinga ako nang maluwang nang makasagot dahil taob 'yong mga haters ko. My sister told me before that the best revenge to your haters is success and to not give them the satisfaction they wanted.
Matapos ang halos sampung oras na pag-aaral ay sa wakas uwian na!
"Pupunta ka kay Lynx?"tanong ni Olivia at sabay kaming lumabas ng classroom. Sumalubong din sa amin si Arturo or should I say Aurora na busy pa sa pag-spray ng pabango sa buong katawan niya.
"Oo. Sama kayo?"
"Saan?" Tinago ni Aurora ang pabango niya sa bag saka kami hinarap.
"Sa DM University," sagot ko.
Ngumiwi lang ito saka umiling.
"Ayoko maging thirdwheel sa inyo and besides, may ka-date ako ngayon." Sabay pa kaming napa-eww ni Olivia dahil sa sinabi niya.
Lagi nalang kase...
"Inggit kayo? Tss. Tsaka mga cousins ko ang kasama ko ngayon. Huwag kayong assumera diyan."
"Na lalake?" sabay ulit naming sabi. We did a high five because we really know him well.
Nag-asaran pa kami sandali habang pababa sa building namin. My phone rang and I immediately answered it when I saw Lynx's name.
"Hello, Alice? Tapos na klase niyo?" bungad niya.
"Oo. Papunta na nga rin ako diyan."
"No need. Ako na susundo sa 'yo ngayon. Pupunta tayo sa bahay."
Kumunot naman ang noo ko. Ano namang gagawin namin do'n?
"Anong meron?"
"Birthday ni mama at gusto ka niyang imbitahan." Nahimigan ko ang excitement sa boses niya kaya no choice ako kundi pumayag nalang. Noong pumunta kase kami doon ay halata kong gustong-gusto ako ng mama niya. Isama pang pinakilala pa ako ni Lynx bilang girlfriend niya no'n. Haysss...
Matapos kong i-end ang call ay nagpaalam na rin sina Aurora at Olivia sa 'kin dahil may kanya-kanya kaming lakad ngayon. Na-upo muna ako sa may waiting shed sa labas habang hinihintay si Lynx.
Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay tumunog ulit ang phone ko sa bag kaya agad ko itong kinuha. Nagsimula na rin akong mag-alala dahil ang tagal dumating ni Lynx at agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng mama ni Ryker.
Kinakabahan akong sinagot ito.
"Hello po, tita?" Mas lalo akong nahirapang huminga nang marinig itong humikbi.
Kahit matagal na kaming hiwalay ni Ryker ay naging mabuti pa rin sa 'kin ang mama niya kaya hindi ko rin siya kayang tanggihan sa anumang bagay.
"Ija, please come to the hospital right now. Ryker got into an accident..."
Doon na ako tuluyang nawalan ng lakas.
I didn't move a single bit until the call ended. After a few seconds, I found myself entering into a taxi and going where he is right now. After all, I will always choose him.
I'm sorry Lynx...
![](https://img.wattpad.com/cover/275132345-288-k987991.jpg)
YOU ARE READING
Boy For Rent
Teen FictionI'm Charlotte Alice who desperately wants my ex back until I found an inetresting calling card from a company named, "TRESON'S AISURU" where boys are for rent. And because of curiosity, I tried my luck in reaching them. Would that ridiculous busines...