Wattpad Filipino Block Party 2021
QUARANFLING
thexwhys
Codename: scammer
Two hundred and fifty-six days. Hindi namalayan ni Michelle na mag-iisang taon na rin simula nang maisipan niyang huwag makipagkita sa kahit na sino. Family, friends, colleagues, everyone.
It was a personal decision not because of the fucking pandemic, but because she wanted to know more about herself.
Nakakatawa mang isipin na iyon ang dahilan, mababaw para sa ilan, pero iyon ang totoo. She'd been neglecting herself for years, not minding what she wanted, and she was always thinking about other people.
Michelle sighed while looking at the calendar. "Shit, I'm turning twenty-eight in a month. Shit, shit, shit. Tatanda na yata tayong mag-isa dahil wala tayong makausap!"
Sinuklay niya ng daliri ang sariling buhok nang ma-realize na birthday na niya sa isang buwan, pero single pa rin siya. Ni hindi siya makalandi, makaharot, at makahanap ng lalaki dahil nga pandemic. Ni hindi man lang siya makakembot para humanap ng papa!
Yumuko si Michelle at tinitigan ang short niyang may print na mga puso. "Ano na, bestie? Bukas ka pa ba? Feeling ko, malapit na tayong magsara. Feeling ko, malapit na tayong magkaroon ng sapot. Ano na?"
At dahil wala namang sasagot, tinawanan na lang ni Michelle ang sarili at nahiga sa kama. Tumitig siya sa kisame ng condo na pagmamay-ari niya. Isa ito sa mga napundar niya sa pagiging workaholic bago niya naisipang mag-resign at maghanap ng trabaho sa bahay.
Michelle was an executive secretary. Boss niya ang presidente ng isang banko, pero masyadong toxic ang trabaho. Bukod sa loaded na nga, gusto pa nito na papasok siya sa opisina kahit na naka-lockdown ang buong Maynila.
There, Michelle thought that if she contracted the virus, the company would just pay her bills, but won't mind replacing her as soon as she's dead.
Nakahanap si Mich ng freelance work na puwedeng mag-stay lang sa bahay, mas malaki pa ang sweldo kaysa sa physical job niya. She enjoyed working, she acquired new knowledge, and even worked based on her own pace.
Paulit-ulit na iniisip ni Mich kung ano ang gagawin niya sa maghapon. Wala naman siyang planong lumabas, nakita rin niya na may stock pa siya ng groceries sa shelves, at wala rin naman siyang ibang balak kung hindi ang humiga.
Inabot niya ang phone at nagsimulang mag-browse sa Facebook.
Nakikita niya ang post ng mga kaibigan niya simula college, magkakasama ang mga ito, pero as usual, hindi na siya imbitado dahil hindi naman daw siya sumasama.
Mich swiped and swiped until she saw her mother posing with her plants. Plantita na kasi ito samantalang noon, ayaw dahil malamok. Natawa siya nang makita na ang bahay nila sa probinsya, puro halaman.
Isang taon na siyang hindi umuuwi sa bahay ng mga magulang. Bukod sa nag-iingat na huwag mahawaan ang mga ito, nagdesisyon si Mich na mapag-isa.
Mich sighed and browsed even more until she saw a meme about her alma mater.
Humagalpak si Mich dahil tungkol iyon sa building ng university kung saan walang elevator, fifth floor pa, at mainit. Luma na kasi iyon noong umalis na siya noon, hindi pa rin pala nagagawa.
Nagbasa siya ng mga comment at natatawa na pare-pareho sila ng mga reklamo noon. Pawis ka na nga, mainit pa ang uniform, mataas pa ang takong, ang sakit pa ng legs dahil fifth floor nga.
BINABASA MO ANG
Wattpad Filipino Block Party 2021
RandomTHE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Party 2021 na may temang TEXTSERYE: FALL IN LOVE THIS QUARANTINE. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang s...