The Wattpad Filipino Block Party 2021
Username: Ice_Freeze
Codename: Mayora
QUESTIONS / MGA TANONG
1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?- I started writing on Wattpad, year 2014. I wasn't studying back then kaya ang dali lang ng pagsusulat, plus the fact that I wasn't conscious of technicalities and such. Then year 2016 came, I enrolled myself in college. At first, the subjects were easy to deal with, not until the following year came. I had to stop writing to focus myself in my study. Hayun, three years akong nawala sa Wattpad. Bumalik ako last year after I graduated and gladly, my readers were waiting for me. Siguro talagang priority muna. Kapag para sa 'yo ang pagsusulat, para sa 'yo talaga. No adjustment, dito lang talaga ako dinadala ng kapalaran ko nang paulit-ulit.
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
- I do prefer series since I have my own series. Pakiramdam ko kasi deserve ng mga karakter na magkaroon ng sarili nilang mga istorya. And, mas masarap magpaikot ng mga pasabog na plot twist kapag naka-series (self opinion).
3. How do you motivate yourself to keep writing?
- Lagi kong iniisip na may naghihintay sa akin. Lagi kong iniisip na may mga napapasaya akong mga mommy na OFW, mga teens na stress sa modules, mga working adults na pagbabasa lang ang pahinga. Yeah, my readers are my motivation.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
- The building of one's trait and character. Pakiramdam ko kapag hindi ko maayos na nagawa ito, malilito ang mga readers sa dami na ng character na ipinakilala ko. Kailanhan kasi tumatak sila sa ugaling meron sila.
5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
- Can I say at the middle? Madali for me ang first chap at epilogue, pero madalas akong mangapa sa gitna dahil hindi ako nag-a-outline.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
- Aeickel Lavria Lou—Freezell Ricafort. I want to get to know her better. Pakiramdan ko kahit natapos ko na ang novel niya, there is more of her at the back of my mind. May ipapakilala pa siya sa akin katauhan at ugali niya. I badly want to meet her in person. The legendary Aeickel Lavria—the mastermind.
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
- Aside from Aeickel, it's Jice Isaiah Twizler–Saavedra Villafuerte. I have a mind like Aeickel, but I have a mouth like Jice. She's just so jolly. Basta mahal ko siya as much as I love her amo—Aeickel. Hahahaha.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
- The writer/author of Insidious and Saw, Mr. Leigh Whannell. I got so hooked about twisted plot twist because of him. I am so in love with his works! May it be novel o film.
9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
- INSIDIOUS! THE PLOT TWISTS OF THOSE BOOK WERE SUPERB! I want to hava a brain like Mr. Leigh Whannell. (Fangirling sorry hahaha)
10. What are your future plans in your writing career?
- I have no future plans about this writing career. Motto ko talaga ang 'just go with the flow' at 'kung para sa akin, para talaga sa akin'. Naniniwala ako sa plano ni God, and ayaw ko Siyang pangunahan. Alam ko naman na knows Niya kung anong desire ng puso ko, kaya pinapabahala ko na sa Kaniya lahat.
BONUS: Please leave a message for your readers.
HELLO MY DEAREST HAVRES! ❤
- Mahal na mahal na mahal ko kayo. Thankful ako kay God kasi binigyan Niya ako ng pamilya na binubuo ninyo. Thank you for supporting me kahit na madalas sablay ang utak ko. HAHAHAHA. Pasensiya na kung nabigyan ko kayo ng trust issues sa stories ko. Hahahaha.
Ingat kayo lagi, at mahal ko kayo lagi. ❤😚
Mayora 🥀
BINABASA MO ANG
Wattpad Filipino Block Party 2021
RandomTHE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Party 2021 na may temang TEXTSERYE: FALL IN LOVE THIS QUARANTINE. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang s...