Kuya_Soju's Author Interview

137 5 5
                                    

The Wattpad Filipino Block Party 2021

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?

Sa ngayon, hindi na ganoon kahirap ang pagbibigay ko ng time sa sarili ko para makapagsulat since online na ang work ko. Wala na rin masyadong social life outside dahil sa pandemic kaya mas marami na ang oras ko para sa pagsusulat kaya walang masyadong naaapektuhan. Though, nakakamiss din iyong life after pandemic. Iyong nakakalabas pa tayo anytime. As a writer, maganda kasi na nakakalabas ako, nakakakita ng iba't ibang tao at lugar na maaari kong magamit sa mga sinusulat kong novel.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

I prefer writing standalone stories. Mas gusto ko iyong wakasan, kumbaga. As a reader, maliit ang pasensiya ko sa pagbabasa ng series dahil nahahabaan ako. Kaya na-adapt ko iyon sa pagsusulat ko. Mas gusto ko ang pagsusulat ng standalone stories dahil gusto kong ibigay sa mga readers iyong gusto kong ibigay sa kanila sa isang upuan ng pagbabasa.

3. How do you motivate yourself to keep writing?

Iniisip ko 'yong ilang readers ko na naghihintay ng susunod na mangyayari sa kwentong isinusulat ko. Palagi ko ring iniisip 'yong magiging ending ng story ko para mas ma-motivate akong tapusin ang sinusulat ko. Kumbaga, iyon ang goal o "finish line" ko.

4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?

Bed scenes. Mahina talaga ako sa pagsusulat ng intimate scene. Hindi talaga ako nasa-satisfied kapag nagsusulat ako ng bed scene pero I'm still trying naman at hindi ako nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na hindi na ako mahihirapan na magsulat ng ganiyang klaseng eksena.

5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?

Mas nacha-challenge ako sa pagsusulat ng first chapter. Para sa akin, very crucial ang parteng ito ng story dahil dito mo kukunin ang puso at interes ng mambabasa. Dapat ay maging interesting ang first chapter upang magpatuloy ang isang reader sa pagbabasa.

6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?

Si EKANG of  "Almost A Cinderella Story". Bukod sa siya ang bida sa first story na ipinost ko sa Wattpad way back 2011, gusto ko rin 'yong pagiging positive ng pananaw niya sa buhay kahit ang dami niyang pinagdadaanan. Saka gusto ko siyang maging BFF para tawa lang ako nang tawa.

7. Among your characters, who's the closest to you? Why?

To be honest, wala, e. Kapag bumubuo kasi ako ng character, kinukuha ko sa ibang tao iyong ugali, pisikal na anyo at kilos niya. Hindi ako kumukuha sa akin kaya wala talaga.

8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?

Libre naman mangarap, 'no? STEPHEN KING!!! Siyempre, tinaasan ko na talaga. (Haha!) Gusto ko siyang maka-collab at baka mabahagian ako ng galing niya sa pagsusulat ng horror novel. Saka for sure, marami akong matututunan sa kaniya sa pagsusulat ng horror.

9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?

"Kapitan Sino" by Bob Ong. Sobrang galing kasi ng pagkakasulat at pagkakatahi ng kwento. Ito 'yong aklat na naibato ko talaga (literal) habang binabasa ko kasi sobrang nadala ako sa mga nangyayari. Bilang writer, masarap makapagsulat ng ganitong klase ng kwento na maaapektuhan nang sobra ang mga makakabasa.

10. What are your future plans in your writing career?

Ang plano ko ay magpatuloy sa pagsusulat hangga't kaya ng oras ko at merong ideas ako na naiisip. Siyempre, magsusulat pa rin ako sa Wattpad kung saan ako nagsimula. Gusto kong magpatuloy sa pagbabahagi ng kwento sa platform na ito para sa mga bagong readers. Plano ko rin na makapagsulat sa TV or movie (sana magkatotoo).

BONUS: Please leave a message for your readers.

Maraming salamat sa walang sawa ninyong pagsuporta sa mga isinusulat ko. Salamat kasi may mga natututunan ako sa inyo at tinutulungan ninyo ako na mag-grow sa pamamagitan ng pagtatama ninyo sa akin kapag may nakikita kayong mali. Sana ay huwag kayong magsawa. Pangako ko, magsusulat ako para sa inyo hangga't kaya ko. Mag-iingat kayong lahat at mahal na mahal ko kayo!

Wattpad Filipino Block Party 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon