VChesterG' Author Interview

165 21 13
                                    

The Wattpad Filipino Block Party 2021

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?- By staying focused. Isisingit at isisingit ko talaga ang pagsusulat lalo na kung may goal ako na tapusin ang isang kwento within a month. Usually, gumigising ako tuwing 3 AM tapos in-e-edit ko siya kapag breaktime ko sa trabaho. Ganoon ako ka-dedicated, haha.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?- Prolly Series. Ako kasi iyong tipo ng writer na na-mi-miss iyong characters ko. So para ma-meet ko uli sila, I make sure na mayroon pa rin silang part sa next stories ng Series nila.

3. How do you motivate yourself to keep writing?- By enjoying it. Kasi ganoon lang naman 'yon. Hindi ka mawawalan ng gana kung ine-enjoy mo lang ang ginagawa mo. Treat it as a passion and not as a job. Maadik kang magsulat sa kung papaano ka naadik mag-ML. That way, you will not just motivate yourself but also help your craft to excel.

4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?- Season 1: Episode 19 of The Last Quarantine. Swear, umiyak talaga ako n'on habang nagsusulat. Tatay ko kasi ang reference ng character ni Tito Theo kaya nung namatay siya, para akong nawalan ng tatay. Hahaha!

5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?- Epilogue talaga kasi diyan mo dapat ibuhos ang lahat. Diyan mo dapat ibigay ang lahat ng mga baraha mo para hindi magtaas ng kilay ang mga readers mo. Bigyan mo sila ng worth it na ending. Iyong tipong hindi masasayang ang oras nila sa pagbabasa ng kwento mo.

6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?- Si Santhy Gozon na lang para magtatawanan lang kami kasi ganoon dapat ang bonding HAHAHA. Sarili ko talaga kasi ang reference ko sa character niya so kapag nabuhay siya; swear, magbabardagulan talaga kami.

7. Among your characters, who's the closest to you? Why?- Cygny Novessa Amorsolo siyempre, iyong story niya na I Don't Love Before You kasi talaga ang personal favorite ko sa lahat ng stories ko.

8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?- @AnakNiRizal talaga, same genre kasi kami saka pareho kaming hindi takot na baliin ang rules sa pagsusulat.

9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?- After Series by Anna Todd. Iyan kasi talaga ang kwento na talagang hindi ako pinatulog. Iyong literal na nagsasabi ako ng, "Isang chapter na lang," pero saan ka, inabot na pala ako ng 3 AM.

10. What are your future plans in your writing career?- Right now, I have no plans but to continue writing stories that will leave a long-lasting legacy to my readers. Gusto kong kahit mag-sign off na ako bilang writer, maaalala pa rin nila ako through my stories.

BONUS: Please leave a message for your readers.One thing I can promise is that I have a ton of exciting stories coming! Swear, ang mga susunod kong stories ay kakaiba sa nakasanayan niyo nang basahin sa mga nagawa ko. Ibang-iba ito sa Kuya Vince na nakilala niyo.

Promise!

With this, I want you to join me as I explore each era of me. Sabay-sabay tayong sumakay sa roller coaster ride kung saan tatawa ka, kikiligin, mamamangha, malilito at matatakot. Sabay-sabay tayong lakbayin ang mga imahinasyon ko. Sabay-sabay tayong kalikutin ang mga kwento na nasa cabinet ng utak ko. Sabay-sabay tayong gumawa ng memories na babaunin natin sa pagtanda-- mga memories na magpapangiti sa atin kapag nagkahiwa-hiwalay na tayo. Sabi nga nila, lahat ay may katapusan. Dadating din ang puntong kailangan niyo akong iwan. Kasi iyon ang buhay. Iyon ang realidad.

Pero hangga't nandito pa tayo, enjoy pa.

Gawa pa tayo ng memories.

Your youth is just like a party, it has to end when the sun started rising. But while you are still here with me, together with the words of my stories, let's dance. Let's dance and make this party a worthwhile journey-- a damn expedition with nothing but excitement and remarkable experience!

You in?

YOU'RE ALWAYS IN.

Long live, Flat Chesters! Long . . . live. :)))

Wattpad Filipino Block Party 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon