The Wattpad Filipino Block Party 2021
QUESTIONS / MGA TANONG
1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?
Sa adjustment, madalas kasi, full ang schedule ko sa work. Kaso kasi related din sa writing ang work ko kaya most of the time, kapag nasa break ako sa trabaho, I write. Minsan, kahit nagtatrabaho, sumasaglit ako ng type ng sarili kong story, then balik sa trabaho.
Malaking factor kasi ang disiplina pagdating sa pagsusulat. Kailangan kong sanayin ang sarili kong nagsusulat kahit ten minutes hanggang thirty minutes sa isang araw kasi may writing pace akong sinusunod. Kapag nahinto ako sa pace, ang tagal kong makabalik. Inaabot ng buwan, and hindi ako puwedeng matengga nang ganoon katagal. Kung may maapektuhan man, kapag ang work ko ay related na sa designing or illustration. Kasi hindi ako humahawak ng keyboard, pen tab lang ang hawak ko buong araw.
2.What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
Series kahit pa gustuhin kong mag-standalone hahaha! Ang hirap gumawa ng standalone novel/story for me kasi gusto kong kinakalkal ang buhay ng characters ko. Ilan lang ang story ko na standalone, hindi pa lalampas sa daliri ng isang kamay. Sinubukan kong mag-standalone sa first vampire story ko, yung Contract with Mr. Phillips kasi galing ako ng TNW series saka ilang duology. Hayun, yung standalone lang dapat, nasa Book 5 na. Kung may isa akong weakness as an author, malamang ang paggawa ng standalone story na iyon.
3.How do you motivate yourself to keep writing?
Nag-stop akong magsulat noong 2017 kasi nawalan ako ng will to write. Para akong naliligaw sa buhay, especially, fresh graduate kasi ako noon. Wala akong kaplano-plano sa buhay kaya lutang talaga. Kahit anong attempt kong magsulat, wala talaga e. Mahirap pigain ang sarili kapag wala kang mapipiga sa sarili mo.
Alam ko ang feeling na ayoko nang magsulat kasi pagod na ako sa ganito, na hindi ko na alam kung saan ko huhugutin yung energy ko para gumawa ng kuwento. Nawala rin yung mga reader ko noon pang 2015 so wala talaga, stop lahat.
Pero noong 2019, sinubukan kong bumalik para lang tapusin yung story ko na When It All Starts Again na isinulat ko pa noong 2013. Gusto ko kasing isali sa Wattys. Sinabi ko sa sarili kong gusto kong balikan yung kung ano ako dati. Gusto kong magsimula ulit. I started writing . . . again.
And may perfect timing ang lahat ng bagay. Nag-stop ako, pero noong bumalik ako kasi na-feel kong baka puwede pang ilaban, inilaban ko pa rin kahit alam kong magsisimula ulit ako sa umpisa. After kong bumalik, doon ko na-realize na meron pala talaga akong mababalikan. Sa dami ng nilakaran ko, bumalik pa rin ako sa pagsusulat, and every day, sinasabi ko sa sarili ko, dito ko gustong mag-stay so dapat panindigan ko. Every day naghahanap ako ng rason para magsulat nang magsulat kasi sayang ang pagbalik kung pababayaan ko lang.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
Intimate scene, bed scene, erotic scene, steamy scene—lahat na ng scene na may hubaran portion, hirap na hirap akong isulat kaya nga wholesome ang karamihan ng story ko. Although, may mga attempt na magsulat ng ganito, pero gusto ko kasing i-maintain ang respeto ng mga reader ko sa mga character. Most of my male leads ay gentleman, may respeto sa babae, at kahit na gaano pa sila ka-kontrabida sa buhay ng mga bida, I keep the impression na wholesome pa rin sila. Kaya nga kahit anong sabi ng mga reader na "bitin!" sa comment section, hindi ko pinapansin kasi masaya na ako sa fade to black o no steamy scenes at all. Saka ang weird kong mag-deliver ng eksena dahil sa language. Word choice talaga kalaban ko most of the time.
5.Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
mas challenging ang ending kaysa first chapter o epilogue for me hahaha! Isa sa weaknesses ko as a writer ang ending kasi nagkakaroon ako ng separation anxiety sa story. Imagine na isinulat mo siya nang matagal tapos biglang isang araw, mare-realize mo na "Hala, matatapos na siya?" Ano nang gagawin ko sa buhay ko pagkatapos nito? Hahaha
Kaya nga karamihan ng story ko, nagiging series kasi ayoko silang matapos.
Pinakamadali sa akin ang first chapter kasi unang upo ko pa lang, kapag nag-pop sa akin ang idea, tuloy-tuloy na. Word vomit pa naman ako.
6.If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
Si Gregory Troye/Vincent Gregorio ng The F— Buddies and Gregory Troye. Siya yung gugustuhin kong makasama every day sa trabaho kasi ang galing niyang magsulat saka best-seller novelist siya e. Matulungan man lang ako kapag kailangan ko ng ka-brainstorming sa trabaho hahaha
7.Among your characters, who's the closest to you? Why?
Closest na persona, si Eunice ng The F— Buddies hahahaha ginawa ko lang talagang rant book yung TFB. Kaya nga ang prominent feedback sa TFB ay laging "Nai-imagine kita, Ate Lena!" Ganoon siya kalapit sa akin.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
Una, si Boss Rayne Mariano (@pilosopotasya) kasi kung ang pagbabasehan ay writing style, masasabayan ko yung style niya. Saka si Darwin Medallada. Ang gaganda kasi ng mga gawa niya, especially yung mga suspense-thriller niya, out of the box.
9.Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
Sa perspective ko, every story chose their authors, and I don't think of wishing something na sana ako ang writer ng ganitong story kasi kung ako ang magsusulat ng mga iyon, baka masira ko lang yung kuwento hahaha! Siguro kung may hihilingan man ako, hihiling na lang ako na sana meron akong writing prowess ni Edgar Allan Poe.
10. What are your future plans in your writing career?
Sa writing career ko, contented na ako sa pace ko ngayon. Kung may dumating na opportunity, I will consider. Kung may plano man ako na related sa writing—yung solid plan talaga—gusto ko na lang makatulong sa mga aspiring writer na makita itong writing field sa broader perspective at bigyan pa sila ng rason na magsulat kahit na nasa bansa tayo na ang paniniwala ng iba ay walang mahihita sa ganitong larangan. We have a story in us na naghihintay lang maisulat natin at gusto kong maramdaman din iyon ng ibang writer na gaya ko. Sa dami ng writer na nanghihingi ng validation sa effort nila, maano mang suportahan sila sa kahit anong paraang magagawa ko, kilala man nila ako o hindi sa personal.
BONUS: Please leave a message for your readers.
Para sa mga reader ko, tahimik lang kasi ang karamihan sa inyo pero happy ako na dumadaan-daan kayo sa mga story ko kapag may bagong release ako. Sa mga solid Weirdo since 2014-2015 days, love ko kayong lahat! Sa mga writer na reader ng ibang story ko, salamat sa pagdaan at pagtawa sa mga ginagawa ko hahaha sana hindi nasira ang impression n'yo sa akin. Sa mga supporter ng Lena Reacts at nagsasabing marami silang natutuhan sa pagsusulat kahit nagbabasa lang sila, mabuhay kayong lahat at nawa'y marami pa kayong matutuhang mga bagay-bagay hindi lang sa akin kundi sa community kung saan tayo umiikot ngayon. Maraming salamat din po sa imbitasyon, Wattpad PH, nawa'y dumami pa ang inyong energy para makatulong sa lahat ng writers sa Wattpad Community, yey!
BINABASA MO ANG
Wattpad Filipino Block Party 2021
RandomTHE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Party 2021 na may temang TEXTSERYE: FALL IN LOVE THIS QUARANTINE. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang s...