3rithrea's Special Chapter

348 48 16
                                    

The Wattpad Filipino Block Party 2021


The Madreal Family

Special Chapter

By 3rithrea

SATURDAY, 11:00PM at Madreal Mansion

Rihav:

Dionna Kylie, Ariadne Hera at Adonis Hacov, bakit ngayon lang kayo? Lagpas na kayo sa curfew niyo, its already late.

Dion:

Tatay, may ginawa po kami ni Hera kaya po late kaming nakauwi.

Hera:

Tama po si Dion Tatay, may ginawa po kami.

Rihav:

At anong ginawa niyo?

Hacov:

Uminom silang dalawa Tatay.

Dion:

No, Tatay. Kuya's lying. Hindi po kami uminom Tatay, swear. Ikaw kuya hindi na kami natutuwa sayo.

Hacov:

Sinabi ko bang matuwa kayo sa akin?

Hera:

Alam mo Kuya, basag trip ka. Kanina ka pa sunod nang sunod sa amin. Wala naman kaming ginawang masama.

Hacov:

I saw them Tatay entering Tito Haiden's Club. Sinundan ko silang dalawa at nakita kong nakipagkita sila sa dalawang lalaki. You told me Tatay to protect this two, kaya hinila ko sila palabas ng club. Tapos sila pa ang may ganang magalit sa 'kin.

Dion:

They are our group mates Kuya! May gagawin kaming project kanina, paano namin matatapos kung pinauwi mo kami?!

Hacov:

Kaya tumakas kayo sa akin?

Dion:

Oo, para magawa ang project namin. Hindi lang naman sila ang ka-group namin, marami pa at madami ang mga girls.

Hacov:

Bakit wala akong nakitang mga babae?

Dion:

Kasi kami ang nauna nakapunta. They are always late, sanay na kami ni Hera na kami ang palaging nauuna kapag may group meeting kami.

Hacov:

Bakit sa club pa? Kung pwede naman sa ibang lugar.

Dion:

Napagkasunduan namin na doon magkita-kita dahil iyon ang medyo malapit sa school at kilala ng lahat. Isa pa, hinihintay din namin ang anak ni Tito Haiden sa club na 'yon dahil pinatawag siya ng daddy niya.

Hacov:

Bakit walang sinabi si Garrett sa akin tungkol sa project niyo?

Dion:

Bakit daddy ka ba niya para sabihin sayo ang mga nangyayari?

Hacov:

Tsk.

Dion:

Alam mo Hacov, halos lahat ng galaw namin ni Hera binabantayan mo. Body guard ka ba o Kuya namin?

Hera:

Oo nga Kuya, we missed two projects, you know that? Kapag nakita mong lalaki ang ka-group namin instant mo kaming hinahablot at pinapalayo doon. Pwede bang luwag-luwagan mo naman ang pagiging strict mo sa amin? Mas strict ka pa keysa kay Tatay.

Hacov:

Gusto ko lang kayong protektahan, madami tayong pinagdaan simula bata tayo. Gusto ko lang naman na hindi kayo malagay sa panganib, lalo ka na Dion. Lagi mo 'kong tinatakasan.

Dion:

Bakit parang kasalanan ko na naman?

Hacov:

Huwag mo kong artehan diyan.

Dion:

Sorry na kasi, masyado kang oa kaya tinatakasan kita. Huwag mo kasi akong sundan nang sundan, hindi ko naman ipapahamak sarili ko. Duh, matakot ang lahat ng magtatangka sa akin kay Tatay. Diba Tatay?

Rihav:

You three grew so fast, parang kailan lang ang liliit pa ninyo. Please lang kung malalate kayo ulit sa pag-uwi, tumawag naman kayo sa amin ng Nanay niyo. Hindi iyong pinapaalala niyo kami lalo na ang Nanay niyo.

Hera:

Sorry Tatay, hindi na po mauulit. Hihingi ako ng sorry kay Nanay bukas.

Dion:

Sa susunod magpapaalam na po kami Tatay, sorry po kung pinag-alala namin kayo.

Hera:

Mag-sorry ka Kuya, late ka din umuwi.

Hacov:

Sorry Tatay, pupuntahan ko na lang mamayang umaga si Nanay.

Rihav:

Sige na matulog na kayo, huwag niyo ng ulitin 'to.

Dion:

Good night 'Tay.

Hera:

Good night Tatay! Good night Kuya.

Wattpad Filipino Block Party 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon