The Wattpad Filipino Block Party 2021
QUESTIONS / MGA TANONG
1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?
· Dati no'ng may work pa ako, time management lang talaga ang pinanghahawakan ko. Hindi kasi related sa pagsusulat ang trabahoko noon. Pero ngayon na full-time scriptwriter na ako sa isang radio station, mas magaan na sa akin kahit paano lalo na kapag drama ang sinusulat ko. Minsan lang na aapektuhan ang pagsusulat kong script sa radyo kasi iba talaga siya compare sa mga novel o short story na sinusulat ko sa Wattpad. But so far, enjoy pa rin ako kasi masaya talaga ang magsulat.
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
· Standalone. Nahihirapan kasi ako minsan i-connect ang mga character ko sa previous story. Mas okay na kapag natapos ko ang isang story, wala na akong aabangan na isulat na connected sa story na 'yon. Para sa akin kasi ang pagsusulat, parang relasyon. Takot ako sa mahabang responsibility kaya ayoko ng commitment. Gano'n din sa pagsusulat ko ng isang story. Ibubuhos ko na ang lahat ng time, effort at energy ko sa story na 'yon. Para kapag 'Wakas' na, wala na akong babalikan pa. Though may ibang story ako na open-ended. Gusto ko rin talagang subukan ang series pero ayun nga, kailangan ko munang subukan na labanan ang takot ko sa commitment.
3. How do you motivate yourself to keep writing?
· First, readers ko talaga. 'Yung mga vote and comment nila sa bawat chapter ng sinusulat ko ang laging nakakapag-push sa akin na magsulat. Ang sarap kasi ng feeling na sinusuportahan nila ang mga pinaghihirapan ko na story. Na may mga tao pala na naniniwala na kaya ko rin magsulat. Nasanay kasi ako na walang sumusuporta sa akin kaya siguro, sobrang special din talaga ng mga reader ko para sa akin lalo na sa journey ko ng pagsusulat. Kasi sila 'yung nakikita kong dahilan kaya hindi ako napapagod na gumawa ng mga nobela.
· Second, kapag nalulungkot ako, nai-stress sa buhay at pakiramdam ko – Walang purpose ang existence ko sa mundong ito... Nagsusulat ako. Sinusulat ko ang mga bagay na pwedeng makapagpagaan ng loob ko. Sinusulat ko 'yung mga story na alam ko na pwede ring makapagbigay ng inspirasyon sa iba na maging matatag sa buhay.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
· GxG bed scenes from my story 'Chained Destiny'. Not really difficult but I guess, challenging for me to write. I'm a straight woman (ata haha) kasi and don't have any experience na makipagrelasyon sa kapwa ko babae. So, medyo hirap ako ilagay ang sarili ko sa character ko. Kung paano ba ang gestures nila, sweet moments etc. Pero siguro, instinct nalang din ng isang writer kaya naitatawid ko kahit paano ang GxG stories ko. Enjoy siya isulat and i-explore. Mas nakikilala ko ang ibang tao pati na rin ang sarili ko.
5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
· Epilogue. Halo-halo nakasi 'to. Pwedengpakiligin, paiyakin o takutinng writer ang reader niyasakahuli-hulihangpagkakataonng story na 'yon. Sa part na 'to, mapaparamdamkosa reader ko kung na-statisfybasiya o nakulangansa story ko. Pwederinnanabitin since mahiligakosa open-ended story. Ang goal kotalagamadalas, hanapanakong reader kong Season 2 for my story kahit 'yunnatalagaang 'Wakas' niya.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
· My character 'Chad' from Not So Happy Ending Stories. Actually, inspired from real events ang story na 'yon. Kaya lang sa totoong buhay, namatay si Chad... So if ever, siya 'yung gusto ko na mabuhay 'ulit' para magkaro'n ng totoong happy ending ang kwento nila ni Tin.
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
· Si Rose/Cristy ng Halik ni Kamatayan. This novel was actually my longest one. Kaya siguro, iba ang attachment sa akin ng character ni Rose/Cristy. Sobrang hirap kasing mga pinagdaanan niya sa buhay. Feeling ko habang sinusulat ko ang kwento niya, nararamdaman ko lahat ng sakit at hirap na naranasan niya. Nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya bilang babae na may strong na personality. Kaya rin siguro ako nahirapan natapusin ang story na 'yon.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
· Stephen King! Baka lang lamunin ako sa lawak ng imagination niya pagdating sa horror stories. Ang lalim kasi ng mga story niya. Then isa pa, si Mary Higgins Clark (RIP). Sobrang idol ko pagdating ng kwentong takutan at patayan. Isa siya sa mga tinitingala ko na writer at gusto kong makilala ng personal dati.Sayang lang at wala na talagang chance. Pero thankful talaga ako sa kanila kasi kung wala sila ni SK at mga books nila, hindi siguro ako mangangarap na maging writer.
9. Anong famous story(be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
· All Around the Town by Mary Higgins Clark. Sobrang ganda ng novel na 'to pa rasa akin. Twisted ang story at walang tapon kahit isang page. Psychological-suspense na sana maisulat ko rin balang araw.
10. What are your future plans in your writing career?
· Sana matapos ko na ang pending stories ko na ang tagal nasa draft ko. Gusto ko rin sana i-try na mag-selfpub pero takot pa rin ako na wala masyadong sumuporta so saka nalang siguro 'yun. Basta continue nalang muna ako and focus sa pagsusulat ng mga drama script sa radyo and mga novel dito sa Wattpad.
BONUS: Please leave a message for your readers.
· Palagi ko 'tong sinasabi pero hindi ako magsasawang ulit-ulitin...
Thank you so much mi Labs, para sa lahat ng suporta na pinapakita ninyo sa mga story ko. And sa love na pinaparamdam ninyo sa akin sa tuwing nakakasama ko kayo sa mga sinusulat ko. Palagi kayong part ng life ko at ng mga dream ko, kasi kung wala kayo... Never ko matutupad o maaabot ang isa sa mga pangarap ko. Sana hindi kayo mapagod na sumubaybay ng mga nobela ko kahit matagal ang update. Basta promise ko, never at never din akong mapapagod na magsulat para sa inyo.
Mag-iingat kayo palagi lalo na sa pandemic na nasa bansa ngayon. At sana magkita-kita tayo kapag pwede na ulit mag-event. I love you all and God bless, mi Labs!
BINABASA MO ANG
Wattpad Filipino Block Party 2021
RandomTHE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Party 2021 na may temang TEXTSERYE: FALL IN LOVE THIS QUARANTINE. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang s...