JosevfTheGreat's Character Interview

182 11 2
                                    

The Wattpad Filipino Block Party 2021



Interview with Xarius Zedion Del Monfrio with the theme: Falling in love this Quarantine.

Character from Lost in the Wild Lands by: JosevfTheGreat


10:00 a.m., Friday.

Interviewer:

Good morning, Mr. Del Monfrio. Thank you for accepting our invitation for this interview.

Xarius:

Ay, good morning din po. Wala po 'yon. Ayos lang.

Interviewer:

Okay po. Let's start po with introducing yourself. Okay na rin naman po ang camera. We'll start now.

Xarius:

Okay po. I'm Xarius Zedion Del Monfrio. I'm a model. Okay po ba 'yon? Kinakabahan po kasi ako.

Interviewer:

Hahahaha! Okay lang po 'yon.

Xarius:

Parang ang pangit na ng introduction ko. Wala kasi akong talent masyado hahaha!

Interviewer:

Our theme po kasi ay Falling in love this Quarantine.

Xarius:

Awit po. In love in love po pala ang topic. Hahahaha hindi po ako professional diyan pero sige hahahaha!

Interviewer:

We only have five questions for you po. So ito po 'yung pang-una. Anong masasabi mo sa mga taong na-iin love or nagkakaroon ng relationship through internet? Since Quarantine ay mas uso 'yung mga internet love kung tawagin. Masasabi mo bang ayos lang ito o may pagka hindi gano'n ka-advisable.

Xarius:

Uh... hahahaha nakakalungkot po para sa kanila pero okay lang naman po siguro kung gusto nila magkaroon ng jowa through internet. Basta walang iyakan pagtapos hahahaha! Kasi mas high 'yung risk na nagloloko 'yung isa sa kanila. Hindi naman natin sure. Kung sa normal nga ay nagkakaroon pa rin ng cheating, paano pa kaya sa internet love.

Interviewer:

Oh, nice answer hahaha! Next question naman po ay naranasan mo na bang ma-in love through internet? Or magkagusto sa isang tao na nakilala mo lang through internet.

Xarius:

Ay hindi po. May asawa na po ako. Hindi ko rin po siya nakilala sa internet. Pero kung mararanasan ko po 'yan, gagawa ako ng paraan para magkita kami. Para cute hahahaha

Interviewer:

Hahahaha! With that being said, let's proceed to our third question. Since quarantine nga, uso na rin ang LDR ngayon. Ano namang masasabi mo sa mga sumusubok ng LDR? Sa tingin mo ba magtatagal sila o hindi?

Xarius:

Ah... walang personalan pero hindi siguro. Medyo mahirap kasi 'yan. Parang nakakatakot mag-commit sa isang taong hindi mo pa naman kilala personally. Pero somehow nagwo-work siya sa iba dahil parehas silang seryoso. Nakakatakot lang din kung iisipin. Siguro mag-work siya sa iba kasi seryoso sila. 'Yung iba siguro trip lang or bored dahil nga quarantine.

Interviewer:

Totoo po 'yan! Grabe, ginagawang libangan ang relasyon. Hahahaha! The fourth question is anong ma-advice mo sa mga kabataan ngayon na ginagawang libangan ang relasyon? Uso kasi sa mga kabataan ngayon 'yung ghosting or something bigla na lang hindi magpaparamdam dahil ayaw mag-commit.

Xarius:

Hahahahaha awit naman po 'yon. Hindi nagparamdam dahil takot mag-commit. Grabe ang lala ng kabataan ngayon sa mga ganiyan. Hahahaha! Pero kahit naman noon ay uso pa rin 'yung lokohan sa isang relasyon. Nakakatakot lang na ginagawa nilang libangan. Maghanap na lang sila ng ibang pwedeng pagkaabalahan. Mahirap kasing ma-attach sa tao tapos bigla ka na lang iiwanan. Mali na paglaruan 'yung feelings ng isang tao.

Interviewer:

Tama, Mr. Del Monfrio. For the last question, anong masasabi mo naman sa mga kabataan na hindi nanggho-ghost pero hinahayaan na walang label ang kanilang relasyon ng kaniyang partner?

Xarius:

Ah... ano po 'yon, parang kahit may chance naman na silang maging sila, ayaw pa rin nila lagyan ng label? Hahahaha

Interviewer:

Opo hahaha!

Xarius:

Okay lang naman po 'yan siguro? Kung hindi pa sila ready. Pero kung hindi pa ready, sana hindi muna nag-try. Kasi parang masakit do'n isa or para sa kanilang dalawa kung wala namang patutunguhan 'yung ginagawa nila. Hahahaha! Uso po ba 'yon? Hahaha

Interviewer:

Talamak po siya this quarantine. Hahahaha!

Interviewer:

So, ayon lang din po ang aming mga katanungan. I-e-air po namin siya sa radyo bukas ng umaga at sa aming TV channel. Maraming salamat po sa pagdalo sa aming simpleng event.

Xarius:

Thank you rin po hahahaha 

Wattpad Filipino Block Party 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon