The Wattpad Filipiono Block Party 2021
QUESTIONS / MGA TANONG
1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?
Kapag may free time po ako, saka ako nagsusulat. Madalas sa gabi, kung hindi man matapos, gigising ako nang maaga para ipagtuloy ang chapter na nasimulan ko. Vacation naman po namin ngayon kaya may time talaga ako na makapagsulat. Sinusulit ko na po ang bakasyon kasi malapit na ulit mag-start ang pasukan pero pipilitin ko pa rin talaga na makapag-update kahit na may ol class na.
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
Hmm. Standalone stories. Mas madali sa 'kin na magsulat ng standalone kasi magagawa mo lahat ang gusto mo, like walang maaapektuhan na ibang stories. Doon lang talaga ang focus ng istorya. Pero ngayon, nagsusulat na po ako ng series.
3. How do you motivate yourself to keep writing?
Noon, gusto ko lang na makatapos ng isang akda kaya naisipan ko na magsulat pero ngayon, ang motivation ko na ay ang mga taong sumusuporta at naniniwala sa kakayahan ko. Sila ang dahilan para magpatuloy ako sa pagsusulat. Ang sarap po kasi sa feeling na may napapasaya ako dahil lang sa mga sinusulat ko.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
Kapag POV na po ng male lead, dapat talaga na may laman kasi iyon ang pinakaaabangan ng readers.
5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first Chapter o sa epilogue?
Sa first chapter po talaga, ang hirap na simulan ang story kasi iyong utak ko, pang-epilogue na. Haha.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
Rhys Kade Gonzales ng Taming Love. Gusto ko siyang makasama, kasi ang isang tulad niya, need ng taong masasandalan. Puro hinanakit ang nasa puso niya at gusto ko siyang pasayahin. Masyado kong sinaktan ang character niya. Pinatay ko pa. Huhu.
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
Caleena Brynn Mendoza from "Tears of Love". Pareho lang po kami ng ugali, na tahimik lang. Na mas gustong mag-isa kaysa sumama sa isang grupo na alam na magiging OP lang. Parang ako talaga ang character niya.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
Si Kap VentreCanard. Super love ko talaga ang stories niya pati si Ms. A. Palagi po akong nag-aabang sa updates niya. She's my favorite author.
9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
A Walk to Remember by Nicholas Sparks. Sobrang favorite ko ang plot no'n, feel na feel ko rin ang emosyon. Ang sakit pa rin.
10. What are your future plans in your writing career?
Sa ngayon, wala pa po akong naiisip sa future. Gusto ko lang po na mag-improve pa sa pagsusulat saka, sana maraming stories pa ang matapos ko.
BONUS: Please leave a message for your readers.
Hi, aClans! Thank you for supporting me! Mahal na mahal ko kayo, sobraaa. Magpapatuloy ako sa pagsusulat para sa inyo. Ingats always. Mwah!
BINABASA MO ANG
Wattpad Filipino Block Party 2021
RandomTHE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Party 2021 na may temang TEXTSERYE: FALL IN LOVE THIS QUARANTINE. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang s...