Pilosopotasya's Author Interview

199 11 2
                                    

The Wattpad Filipino Block Party 2021

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?

yES! Alam ito ng mga nakasubaybay sa journey ko from 2015 up until today. Noong 2015 kasi, tumigil ako sa school dahil hirap ako in layf. Dahil tumigil ako, nakapag-focus ako sa pagsusulat at sa iba pang bagay. I've written 3 stories within a year. Mabilisan. Araw-araw ang update, tuwing weekends automatic pahinga then weekdays sulat ulit. Nagkaroon ako ng schedule. I think it was one of the happiest year of my writing life.

Taong 2016, bumalik ako sa school. Dito nagkaroon ng turbulent ang pagsusulat ko. Ang everyday update ay naging once a week, once a month, once a year, hanggang sa nawala at ngayong 2021 -- hindi ko pa rin matapos yong story na sinulat ko nung bumalik ako sa school.

That sucked. Haha.

2018, graduate na ako. Akala ko makakapag-focus ako sa pagsusulat, akala ko magiging full time na yong pagsusulat ko, pero hindi gano'n e.

Graduate ako ng multimedia arts at multipotentialite ako so I want to do a lot of things. Now that I am free, I want to explore life. I want to create a lot of things. Gusto kong ma-experience ang mga bagay bagay. Maybe earn my own hard earned money sa ibang bagay cause before paid, writing couldn't give me that. (Nakakatulong ang paid stories but they weren't enough).

And so, I stopped writing again.

Nawala ako sa pagsusulat to explore life. Hindi ako nagsisisi kasi I realized a lot like for example, akala ko passion ko ang pagsusulat.

Hindi pala.

Kasi sabi nila, kapag di mo nagagawa ang passion mo, manghihina ka hahaha nangyari sakin yon nung umpisa, nagka-withdrawal ako. Na-stress ako. Na-guilty. Sinasabi kong passion ko pagsusulat, bakit hindi ako nagsusulat?

Pero as time passes by, I realized one thing:

My passion is storytelling and writing is just a medium.

Kasi nung hindi ako nagsusulat, nagso-storytelling pa rin ako -- sa ibang medium nga lang, pero hindi ako nawala doon sa pagkukwento. Kaya laging nag-aapoy ang passion ko. Lagi akong motivated kahit hindi ako nagsusulat.

Nung una, nagtataka ako: ayaw ko na ba talaga magsulat? Bakit masaya naman ako sa ginagawa ko?

Nagbago na pala kasi . . .

Nung ni-let go ko yong "dapat magsulat ako kasi writer ako" mindset, doon mas nag-flow yong energy ko of storytelling, both fiction and non-fiction. Pati na rin sa visual.

I always look at storytelling sa lahat.

Ngayon, I'm slowly going back to writing fiction again. Tho, hindi ko na pinu-push ang sarili ko too much. I just want to go back to the start: Have fun.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

Sa ngayon, I'm gearing towards writing series kahit na mas nakakamatay gawin! Writing series can make you explore and create a bigger world kasi. You can have one particular moment but different experiences. You can have one thing pero magkaiba ang perspective ng magkaibang character. Pwedeng ang protagonist sa story 1, galit sa protagonist ng story 3. Ang galing ng gano'n! Haha.

Also, series is a good way para makipag-collaborate sa ibang authors. Hihi.

3. How do you motivate yourself to keep writing?

Wattpad Filipino Block Party 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon