PROLOGUE

808 33 6
                                    

🍃

ATTACK

*P  R  O  L  O  G  U  E*


"Hiro sa tingin mo kailan kaya tayo makakapasok sa Royal Capitol?"

Tanong ko kay Hiro habang naglalakad kami pauwi galing sa pagkuha ng mga kahoy upang gawing panggatong.

Kasalukuyang bitbit ko yung kalahating bungkos nito habang isang sako naman yung pasan niya sa kaniyang balikat.

Nilingon ko ito na nagtutuluan ang pawis sa mukha, pero kahit ganoon hindi parin naman siya mukhang dugyot. Actually he looks fresh unlike me. I could tell that I smell stinky.

Matangkad siya at maputi, may makapal na kilay at magagandang mga mata. Kapag ngumingiti ay lumalabas ang magkabila niyang biloy sa gilid ng mapupulang labi. Makinis ang kaniyang mukha daig pa ang babae, samantalang mas nakakadagdag naman sa kaniyang gwapong mukha ang perpektong tangos ng ilong at hubog ng panga.

Matikas yung tindig niya ngayon sa suot na long sleeves shirt na kupas ang kulay ganoon din ang pang-ibaba. Nakatupi yung manggas nito hanggang siko at may kaunting dumi galing sa pangangalap namin ng kahoy. Habang yung pantalon naman niya ay may kaunting punit pero ayos lang.

"Why do you ask?"

"Wala lang, hindi na kasi ako makapagpigil na malaman yung hitsura ng buong Royal Land, sabi ni Lolo maganda daw doon." Sagot ko,

Tumingala ako sa langit nang marinig ang huni ng mga ibon. Natatabunan ng mga dahon sa matatayog na puno ang bughaw na kulay ng langit pero ayos lamang yun kasi presko naman sa pakiramdam.

"You've been mouthing the Royal Capitol this whole day, aren't you tired of asking things I didn't know either?" He teased and grin at me.

I pouted my lips. "Eh, kasi naman palagi nalang tayong nandito sa Nayon. Bihira lang tayo makalabas at makapunta sa malalayong lugar."

"As what I've always telling you, Royal Capitol is the main land of Ezora Kingdom, you'll see the most and powerful wizards there."

"I want to pursue my dream and become a member of Royal Knights, pero syempre dapat tayong dalawa." I smiled at him,

He looks at me and stopped from walking.

"Gusto ko sabay talaga nating matupad yung mga pangarap natin para maging proud sa atin si Lolo." Dugtong ko.

Bahagya siyang natawa bago nilipat ang bitbit sa kanang balikat upang marahang guluhin ang aking buhok.

"You talked too much, but yeah. I'll promise to work hard then let's achieve our goals together." He smiled at me.

I smiled back. Even though we still can't use our magics properly we'll going to do our best to make it happen.

Tumango ako sa kaniya. "Let's train harder, someday you'll going to control your fire magic while I can use my healing power properly to help the citizens of Ezora."

"Is that a promise?" He asked.

"Oo naman!" Natawa ako,

"Then promise it is." Sabi niya bago ako tinitigan. "Let's work hard so I can grant grandpa's only wish."

Nangunot ang noo ko.

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon