Chapter 33: Firefly

239 12 0
                                    

🍃

SAROS

"What the hell Zeb? Dalian mo nga baka gutom na yung iba lagot tayo lalo kay Captain Zy!" Inis na singhal ko kay Zeb.

"Sandali lang naman dude, hindi pa ako nakakapili." Si Zeb, napabuntong hininga ako nang muli siyang umikot sa pahabang lamesa ng pagkain.

Nilingon ko si Ivo at Yuu na prente lamang na nakatayo sa labas ng store, inutusan kami ni Captain na bumili ng pagkain ngayon, bale kaming apat ang nakatoka. May bitbit na tag dalawang plastic bags yung dalawa na ang laman ay puro pagkain. Dalawa din ang bitbit ko at isa naman sa madayang si Zeb.

Lumabas ako ng store at nagtungo sa dalawa.

Parang walang nangyari,

Bumalik sa dating hitsura ang downtown hindi tulad nang umatake ang mga Black Serpents. Madali naman kasi nila itong maiisaayos dahil magagaling na mages mula sa Royal Council ang gumawa nito. Saglitan nga lang.

Kaya lang hindi bumalik ang masiglang buhay ng kalangitan, balot parin ng dilim ang dati'y bughaw na langit.

The Eclipse...

Sinabi ni Alas na babalik sila sa unang araw kapag sumapit ang lunar eclipse. Pero ang araw na 'yon ay hindi namin alam. Sinabi ni Lord Isaac na kailangan naming maghanda para sa paparating na digmaan.

He briefed all the Royal Captains and he ordered them that we need to trained harder and as much as possible reach our Supreme Regeneration.

Walang nakakapasok sa hideout ng mga Black Serpents na matatagpuan sa boundary ng Ezora Kingdom dahil nababalot ito ng strong forbidden magic. Kaya walang makakapagsabi sa amin kung gaano ba sila kadami.

We need to protect the regions of Ezora that's why we need to become strong.

Alam na namin ang plano nila na makuha ang Servants of the Santuary book at Sacred Book dahil bumalik na sa dati ang mage na si Xol, ito ang nagbigay ng impormasyon sa amin kung ano ang gagawin nila.

Para ito sa Devil Altar na tinutukoy nila.

All we have to do is secure the book and never let them have both of this important thing.

Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pa ng pagtitipon mamaya?

Ano na naman kayang kabaliwan ang nasa isip ni Lord Isaac?

Baka nabagok ang ulo niya sa laban noong isang araw? Psh,

"Hindi ko magets 'yang si Lord Isaac, eh. Nasa kalagitnaan na tayo ng digmaan naisip pa niyang magpa-party.." bungad ko sa kanila,

Tahimik na nilingon ako ng dalawa.

"Ano sa tingin ninyo? Feeling ko may iba pa siyang agenda kaya siya nagplano ng ganito, eh." Sabi ko.

"If that's the case then we should really go." Sagot ni Yuu,

Tumaas ang kilay ko. "I heard she's under investigation also," I said, he knows already who I'm pertaining to.

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon