Chapter 22: Red

287 15 0
                                    

🍃

SERA

Malapit nang dumilim nang marating kami sa Royal Palace. Agad naman akong natuwa nang makita doon sila Astrid, nakahanay ang mga ito sa bungad ng palasyo. Nakita ko sa tabi nila yung dalawa pang miyembro ng The Dawn, so I guess they're Rhea and Athena. Nang makita nila si Lord Isaac ay sabay-sabay ang mga itong yumuko tanda ng paggalang. Isang magiliw na ngiti lamang ang sinukli ng Wizard God bago dumiretso papasok ng palasyo.

"Royal Knights, come inside." He commanded, two Royal Guards opened the grand door for him.

Agad naman kaming sumunod sa kaniya.

Sumalubong ang ilang Royal Staffs kay Lord Isaac nang makapasok sa bulwagan.

Tumaas ang kilay ni Gaia nang makasabay namin sila sa paglalakad.

"Wow? Buhay ka pa Zeb?" Pang-aasar niya kay Zeb.

"Look who's talking, you look like exhausted Gaia. Nahirapan ka yata sa mga Druids ano?" Nakangising sagot ni Zeb,

Lumapit ako kay Astrid nang magsimulang mag-away na naman ang dalawa.

"Sus, if I know miss niyo' lang ang isa't isa." Sabi ni Saros,

Gaia rolled her eyes, "Yuck? Spell never!"

"Admit it Gaia, miss mo lang ako, eh." Zeb teased, sabay na humalakhak ang dalawa ni Saros nang mas lalong malukot ang mukha ni Gaia.

"I'm glad you're all fine," Sabi ko kay Astrid nang makalapit.

She heaved a sigh.

"Yeah, at least we survived." Sabi niya,

"Bakit? Anong nangyari sa misyon ninyo?"

She looks troubled, I wonder what happened to them?

"Long story, malalaman mo mamaya kapag nagreport na tayo."

Tumango na lamang ako, tumigil kami sa paglalakad nang pumwesto si Lord Isaac sa platform na nilikha ng isa sa mga Royal Guards na nasa tabi niya. Nasa likod nito ang dalawang kamay at may tindig ang tayo nitong sinipat kami isa-isa.

Maya maya ay biglaang lumitaw sa tabi niya si Master Helios. Nakabusangot ang mukha nito at may bitbit na sangkatutak na papel, he's sweating also.

"Oh! Finally you're here! Hindi mo alam ang stress na binigay mo sa akin nang takasan mo ako dito Lord Isaac!" Galit na singhal nito sa katabi.

Tumawa si Lord Isaac bago tinapik-tapik ang kaniyang balikat. "Pasensya na,"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Master Helios. "Anong pasensya? That's not enough, can you see this bunch of paper works from the Royal Council? Lahat ito kailangan mong asikasuhin!" Master Helios exclaimed, actually para siyang tatay na nanenermon sa anak. They're so cute!

"Alam ko naman na kaya mong gawin lahat 'iyan ng sabay-sabay, malaki ang tiwala ko sayo at isa pa.." tumigil siya at nakangiti kaming tiningnan. "Malaki ang pasasalamat ko sa Black Spades dahil sa pagligtas nila sa akin mula sa kapangyarihan ni Geta."

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon