Chapter 26: The Red Diamond Eyes

269 11 0
                                    

🍃

GAIA

MALAKI ang ngisi sa labi ko nang simulang atakihin yung isang miyembro ng Black Serpents. Naglabas ako ng malaking water tornado at mabilis itong pinabulusok sa direksyon niya. Lumipad ito sa langit kaya madali akong sumunod. Ngayon maririnig ang iba't ibang dagundong sa paligid dala ng mga kapangyarihan naming nagbabanggaan.

Nilingon ko si Zeb, kahit nasa malayo ay nakikita ko yung maagap niyang pakikipaglaban sa isang Black Serpent. Umiilaw ang kamay nito sa hawak na espada, I smirked. So he can summon a sword, huh.

Habang sa kabilang bahagi naman ay nalingunan ko ang kambal. Nakaposisyon ang kamay ni Air na tila kumukumpas, nakita ko ang pagkinang ng manipis nitong sinulid mula sa dulo ng kaniyang maliliit na daliri. Hinahabol nito ang kalaban gamit 'iyon, habang si Flow naman ay seryosong nakikipagtuos doon sa isa pang Black Serpent.

Mula sa kaniyang palad nakikita ko ang naglalakihang buhawi na lumalabas doon.

"Eyes here Royal Knight!" Tumirik ang mata ko at nilingon ang kalaban ko.

Mataba ang Black Serpent na kaharap ko, mahaba ang balbas nito sa mukha at nanlilimahid ang noo sa pawis.

Wala bang maayos ayos na kalaban diyan?

"Sabi mo, eh." Sagot ko bago muling naglabas ng kapangyarihan. Mabilis itong bumulusok sa kaniya kaya wala itong nagawa upang umiwas.

Tumilapon ito nang sobrang layo kaya mas lalong gumuhit ang ngisi sa labi ko.

Poor Black Serpent, hindi ba niya alam na hindi na nila ako maiisahan ngayon gamit ang taktika nilang Forbidden Magic?

Maya maya ay nakaramdam ako ng isa pang mana, gulat na napalingon ako't hindi nakailag nang makita ang itim na mahikang bumulusok papunta sa akin.

Tinamaan ako nito sa tiyan, sa sobrang lakas ng pwersa ay ako naman ang mabilis na tumilapon sa ere.

"Fuck!"

Nakita ko ang gumawa nito sa akin, yung pesteng kalaban pala ni Zeb! Fuck!

Napamura ako't pilit na lumaban sa pressure ng kapangyarihan pero patuloy parin ako sa pagbagsak paibaba, ngunit ilang segundo lang ang naganap nang maramdaman ko ang mga bisig na pumaloob sa akin.

My eyes widen when I saw Zeb, he's carrying me into a bridal style!

Kitang kita ko yung mapuputi niyang ngipin sa tamis ng ngiti nito sa akin. "Ayos ba timing ko?"

Tanong niya, kinindatan ako nito bago tinaas-taasan ng kilay, hawak ako nito sa ganoong paraan habang nakalutang kami sa ere.

Pumiglas ako't hinayaan ang sarili na lumipad.

"What the fuck Zeb?"

He frowned, "Tingnan mo ito, ikaw na nga tinulungan ikaw pa galit?"

I rolled my eyes, his bright yellow eyes is looking directly into my eyes. Napalingon ako sa ibang direksyon.

Tangina lang?!

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon