🍃
GAIA
It was a sunny day. Nagkaroon kami ng misyon sa Esquire, isa sa malayong rehiyon na nasasakupan ng Ezora, napapagitnaan ito ng Northern Boundary at nang kabilang kaharian ng Lexus Kingdom.
Sa bulubundukin ng Esquire naninirahan ang mga Barbarians, they're the ruffians who worship animals and the most professionals in combat fighting, they're usually consist of all men among their tribe.
Si Captain Zy ang nag-utos sa amin na magpunta roon dahil kailangan daw niya ng pangil nang oso para gawing pamalit na bayad kay George, siya yung sikat na tindero ng iba't ibang kagamitan sa Black Market.
Ang Black Market ay isang sikretong pamilihan na kung saan dito mo mabibili yung mga ilegal na magical items na binebenta. May secret passage sa pader na matatagpuan sa pinakasulok ng downtown, all you need is a stone made of ruby to enter inside.
Hindi ko lang alam kung anong item ba ang bibilhin ni Captain Zy at kailangan pa talaga niya kaming utusan para sa mga luho niya.
"Let's go Gaia." Napalingon ako kay Astrid, nakapamaywang ito sa akin habang nakataas ang kilay.
I rolled my eyes. "Bakit kasi hindi nalang sila Zeb ang utusan niya. Ano namang pakialam ko sa pangil ng pesteng oso na yan." Angil ko,
Nakakainis lang kasi.
She smirked. "Hayaan mo na kasi, remember wala din naman tayong gagawin dito..tsaka tambay na tayo ng mahigit dalawang buwan, at sa buong araw na 'yon wala man lang mission na dumadating. And you know what? I'm going insane here by just staring at the damn wall.." she scoffs,
Sabay kaming natigilan at tiningnan si Zeb na lumabas ng base. At saan naman kaya ang hada ng isang ito?
Abot tainga ang ngisi niya sa amin.
"Let's go girls..."
"Kasama ka?" Tanong ko.
"Hindi ba halata?"
Naiinis ako sa pagmumukha niya lalo kapag ganito kalapad ang ngisi niya.
Humalukipkip ako. "Bakit hindi nalang kaya ikaw ang tumuloy? Mukhang excited ka naman, eh.."
"Kayo ang inutusan ni Captain Zy, mabuti nga nag-volunteer ako sumama..." may kakaibang ngisi sa labi niya...
"At bakit naman kasi kami?!" Anas ko.
"Heheheheh, alam mo namang puro lalaki ang mga Barbarians sa Esquire. Baka you know, mapadali ang misyon kapag kayo ang inutusan..." he shrugged his shoulders.
Napapalatak ako.
Sabi na nga ba, eh.
Ginawa pa kaming pain ng mga tinamaan ng magaling.
"Then let's go, I'm excited to see those Barbarians." Astrid said and giggled. Nauna siyang lumipad.
Napabuntong hininga ako bago sumunod.
![](https://img.wattpad.com/cover/275304196-288-k180661.jpg)
BINABASA MO ANG
EZORA KINGDOM CHRONICLES
FantasíaKINGDOM SAGA CHRONICLES 🍃EZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR🍃 Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holding the only dream that they want to succeed someday, to become a member of Ezora's Magical Royal Knig...