Chapter 8: Sacred Book

317 13 0
                                    

🍃

SERA

Ilang kilometro lang yung layo ng templo mula sa pinaka sentro ng bayan. Madilim na ang paligid nang makarating kami roon, mabuti nalang may dalang lampara si Ondina at yung kapatid niyang si Yogo, ang batang sumalubong sa amin kanina.

Hindi ko na masyadong napasadahan ang buong hitsura ng templo dahil sa madilim na paligid.

Nauuna si Ondina nang buksan niya ang kahoy na pintuan nito, nasa tabi ko naman si Yogo dahil siya yung may hawak ng isa pang lampara.

"Come inside." Yaya ni Ondina bago pumasok sa loob, sumunod kaming dalawa sa kaniya.

Mabilis na lumayo sa tabi ko si Yogo upang ipatong ang lampara mula sa lamesa sa malayo, nilibot ko naman ang paningin sa maliit na sulok ng kwarto.

Agad sumalubong sa ilong ko ang amoy ng alikabok.

Walang kahit anong gamit ang narito at tanging isang malaking painting lamang na nakasabit sa dingding ang makikita. Maliit lang din ang kwarto na ipinagtaka ko.

Nakalarawan dito ang tila isang Nayon sa paanan ng bundok.

"That's our village." Sabi ni Ondina,

Nilingon ko siya. "Pero nasaan na yung libro?"

"You'll see." Sagot niya bago lumakad sa harapan ng larawan.

"Can you help me with this." Sabi ni Ondina, tumango ako sa kaniya at hinawakan ang isa pang lampara upang ilawan ang kung ano mang gagawin niya.

Lumapit siya sa tabi ng painting bago ito dahan dahang tinanggal.

Nangunot ang noo ko nang makita si Yogo sa kabilang gilid ng larawan, kinalas nila ito sa pader at magka-usong na tinabi sa ibaba.

Ganoon ang paghanga ko nang nakita ang isang pinto sa likod ng painting.

Isang secret door!

"Dito nakatago ang sagradong libro. Yung mga ninuno namin ang gumawa ng secret passage na ito dahil maraming mages dati ang nagtatangkang nakawin ang libro." She explained,

I nodded,

So that book is not just a normal book. Now I'm curious,

"Ganoon siguro kaimportante ang libro dahil sinadya pa talagang itago ito ng mga ninuno mo tama." Sagot ko,

She nodded and started to open the door.

"Si Lakos ang pinaka ninuno namin ang nagsabi na ipinagkatiwala daw sa kaniya ni Goddess Luna ang libro, at sandaling dumating ang panahon ang descendants niya mismo ang kukuha nito sa amin." She explained,

Lumikha ng langitngit ang marupok na pintuan nang tuluyan niya itong nabuksan. Kinuha niya sa akin ang lampara bago naunang bumaba sa kahoy na hagdan.

My brows furrowed.

"Descendants? What do you mean?" Takhang tanong ko,

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon