Chapter 40: Answers

207 13 0
                                    

(Kumapit ng maigi baka po mahulog sa kanal.)

🍃

ASTRID

I really can't believe it, Goddess Luna and Sigil is here! At ang mas nakakawindang doon ay yung nalaman namin. Si Sera, na kaya pala lubos na tinanggap ng Sacred Book dahil may mas malalim pa pala siyang koneksyon dito, and to think that she's a living Divine? Gosh! This is unbelievable.

And also the man who's currently sitting on the sofa far from us. He's just leaning into the chair, walang patid yung pagkikipag-usap sa kaniya ni Sigil. Habang siya wala namang imik.

Napailing ako.

Si Yuu ay anak ni Sigil.

Now that explains everything.

Napaayos kami ng tayo nang lumutang papunta sa harapan namin si Sigil, ang Demon King. Hanggang ngayon medyo ang creepy parin ng dating niya, nababalutan siya ng kulay itim na magic sa kaniyang buong katawan. He has silver eyes and two horns on his forehead. Mahaba yung robe na suot nito at may nakasabit na pulang kwintas sa kaniyang leeg.

"Where's the Goddess and her daughter?" Malamig na tanong niya sa amin.

Nakalinya kaming lahat, feeling ko kasi biglaang sumikip yung buong base dahil sa presence nilang dalawa ni Goddess Luna.

Nakakatakot!

Tumikhim si Zeb. "U-Uhm, kasama si Sera sa kwarto niya."

Sigil rolled his eyes. "Tsk, she's really crazy, dahil sa ginawa niyang pagpapakita mas naging komplikado ang sitwasyon dito."

"Please include yourself Demon King." Lumingon kami kay Yuu nang tumayo ito sa sofa at nakapamulsang lumapit sa amin.

"Come on son. Don't be mad at me, malay ko bang hindi nila alam na mag-tatay tayo? Tsaka aren't you happy to see me? Hindi tayo nagkita for almost nineteen years!" Biglaang naging maamo si Sigil habang kaharap si Yuu.

At paano naman kasi namin malalaman na mag-tatay pala sila? Tsk, Yuu is not like us. He's so cold kaya ang hirap basahin.

"I'm not happy to see you, you should go back to underground now." Madiin na sabi ni Yuu sa ama.

"Why so rude? At hindi pa ako pwedeng umalis, kailangan kong makausap si Luna tungkol sa isang importanteng bagay..." sagot niya,

"And what is it?" Yuu asked,

"I can't tell you right now, pero soon malalaman nyo' rin." Sabi niya,

Nagulat ako nang tumaas ng kamay si Zeb.

"E-Eheheh excuse me, pero totoo po bang anak ninyo si Yuu? Sorry for asking but I'm just confused..." nag-isang linya ang kilay ko, wow lang, ah? Bakit ang tapang niyang magsalita.

The Demon King gave him a sharp look. "Why are you confused? Hindi ba kami magkamukha?"

"No! No! No! That's not what I'm talking about, hehehe nakakagulat lang kasi..." Tensyonadong sagot ni Zeb.

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon