Chapter 38: Saved

194 11 0
                                    

🍃

SERA

Kasama ko yung dalawang Royal Guards sa magkabilang gilid ko. Nangingilid yung luha ko dahil sa pambibintang nila sa akin, aminado naman ako sa part na muntik ko nang ilagay sa panganib ang buong Ezora, pero yung sabihin nila na kasama ako sa mga Black Serpents? That's beyond the line.

Kahit kailan hinding hindi ako sasapi sa mga kalaban! Lalo't sila ang pumatay sa pamilya ko?

I loathed them so much that I should've punish them that day!

Hindi ko gustong manakit o pumatay, pero dahil sa galit ko nagawa ko yung hindi dapat.

Tumigil kami sa malawak at malaking pintuan, kusa itong bumukas pagkatapos ay inalalayan ako ng dalawang Guards na nasa magkabilang tabi ko upang pumasok.

The moment I stepped inside I felt that I'm really a convict infront of the justice.

Halos malula ako sa lawak ng buong lugar, ito yung Hall of Justice, dito nilalagak yung mga kriminal na mage na hahatulan nila.

Nakakanginig lang sa takot dahil nandito ako ngayon at pinagtitinginan ng lahat at agad binabato ng samu't saring masasakit na salita.

Nagbara ang lalamunan ko.

I just don't know about these people, they're looking at me with disgust and hatred on their faces. It's too easy for them to justify the lies and deaf of hearing the truth.

Kahit anong ganda talaga ng isang lugar, hindi maaalis yung dumi sa dulo nito.

Kung wala lang si Nimble sa tabi ko ngayon baka hindi ko kayanin.

Laking pasalamat ko lang talaga na hindi siya umaalis sa tabi ko. Kalmado lang ito at tila hindi makikitaan ng takot.

Tumindi ang kabang nararamdaman ko nang tuluyan kaming makapasok at magtungo sa nag-iisang platform na nasa gitna.

Dumiretso kami doon at nang makarating ay napasadahan ko ang malaking lugar. Nagmistula tuloy akong hahatulan dahil napapalibutan ako ngayon ng maraming Royalty at Nobles na nakaupo sa mga benches, nasa pinakaibaba naman ang sa tingin ko ay miyembro ng Royal Council, tatlong katao lang 'yon pero ang lubos kong napagtuunan ng pansin ay yung mage na nasa pinakagitna nila.

He's coldly leaning into the chair. Based on his red and golden robe as well as his golden crown, he's King Julius Ivanov, the ruler of Ezora Kingdom, the King.

Magkasalubong ang kilay nito at tila limitado ang bawat galaw habang prenteng nakaupo doon. Nararamdaman ko rin yung mana na nagmumula sa kaniya, alam kong hindi rin biro ang kapangyarihan nito.

King Julius Ivanov looks young, but he looks intimidating. He has a huge built and cold aura.

"Sera from Black Spades." Panimula ng katabi nitong Royal Council member.

Umalis yung dalawang Royal Guards sa tabi ko, pero nagulat ako nang makita si Lord Isaac na naglalakad papunta sa direksyon ko. Madali naman itong nakarating sa tabi ko.

"Don't worry, I got your back.." he whispered,

Naluluha ako nang makita siya, simula nang laban ito ang unang beses na makita ko ulit siya. Mabuti nalang maayos na yung lagay niya.

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon