Chapter 14: The Land of Druids

317 17 0
                                    

🍃


ASTRID

"Waaaaaahh! Bakit iniwan niyo kami dito?!" Air shouted hysterically when we all went home, we have the whole day to prepare for our another mission tomorrow. Pagdating namin sa base ay yung kambal lang ang nandito, I wonder where's our lazy leader again.

I sat into the sofa and rest my back, hindi naman ako napagod. Actually Sera is a good help, naging madali yung pag-aayos namin sa mga ibon na natira, she can handle her powers properly now. Ang kailangan nalang niyang matutuhan ay ang lumipad.

"Where's Captain Zy?" Tanong ni Zeb kay Flow na naglalapag ng kanilang binili sa lamesa,

Umaatungal parin si Air kay Sera, good thing she's here now. Siya lang yata ang miyembro ng Black Spade na kayang tumagal sa kakulitan ng batang 'iyon.

"Uhm sinundo ni Captain Uno kanina, ang sabi pinapapunta daw sila sa Royal Council." Sagot ni Flow,

My brows furrowed,

"Wala ba kayong napapasin? Mukhang busy yata ang lahat ngayon diba?" Takhang sabi ni Zeb na sumandal sa lamesa.

"The Captains are nowhere to found, especially the missions. It's weird," Saros replied,

"Bakit? Hindi ba ganito dati?" Tanong ni Sera bago naupo sa sofa kaharap ko, tinaas ni Gaia ang paa sa lamesang nasa gitna at humalukipkip.

"Halos pigain na namin si Captain Zy dati pero wala paring misyon na nadating. But now it's all different," she replied,

"Oo nga pala ano yung naging misyon ninyo Zeb?" Tanong ko,

"Doon lang din sa Southern Village, nag-imbestiga kami tungkol dun sa pagkamatay ng mga ibon." Sagot niya,

"May nalaman ba kayo? Knowing you Zeb? I doubt that," Gaia teased,

Zeb smirked,

"Anong akala mo sa amin mabagal?" Sagot ni Zeb,

"We sense a forbidden magic on that place," Saros said,

Nagsalubong ang kilay ko,

"Malakas ang hinala ko na mga Black Serpents ang may pakana nito, sabi na nga ba at hindi lang pananakop yung pakay nila, eh. May iba pa." Sabi ni Zeb,

"Paano ka naman nakakasiguro?" Tanong ni Gaia.

Tumayo ako't lumapit sa Cabinet upang kumuha doon ng bote ng alak. Nalingunan ko si Yuu na nakaupo sa silya malayo sa amin, palagi naman siyang ganiyan na nakakunot ang noo, tahimik at suplado. Pero ngayon yung hitsura niya ay tila dala ng malalim na iniisip.

Nagkibit balikat nalang ako't binuksan ang alak bago tunggain ang laman nito.

"Sigurado ako dahil nakalaban ko si Alas, yung may Seal Magic at leader ng mga halimaw na umaatake sa Marren Village. Narinig ko may sinabi siya tungkol sa plano," paliwanag ni Zeb,

"Oh, tapos ano nangyari?" Tanong ko,

"Ayun nakatakas, nagtataka nga ako kasi sinundan ko siya papunta sa Marren Village pero biglaang nawala,"

EZORA KINGDOM CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon