🍃
SERA
I stretched my arms and yawn. Pinasadahan ko ang magandang langit, kulay bughaw ito at ang malamig na lamyos ng hangin ay kaunting tumatama sa mukha ko. Mainit ang panahon pero sapat lamang, actually tama lang para magtanim ng mga pananim na gulay. Kasalukuyan akong nasa likod ng bahay namin, mula dito matatanawan yung mataas na bundok sa likod.
Nakangiting tiningnan ko yung mga gulay na katatanim lang.
Ang galing ko!
Sigurado matutuwa si Lolo kapag nakita niyang hindi na sablay ang gawa ko, kahapon kasi tinalakan niya ako dahil napadami yung punla na nilagay ko sa bawat lupa. Tsaka nasobrahan din yung dilig ko kaya hayun' lunod ang mga kawawang buto ng gulay.
While neatly tucking my hair at the back of my ear, I heard a sudden footsteps behind my back. Lumingon ako at nakita si Hiro na papunta sa direksyon ko.
May bitbit siyang maliit na sako. Napangisi ako nang makalapit siya, nilapag niya ang dala sa gilid ng mga pananim ko.
"Are you sure mabubuhay 'yang tinanim mo?" May ngisi sa labi niya.
Lumabi ako. "Wala ka bang bilib sa akin?" Sagot ko bago yumuko at nagsimulang kuhanin yung pataba sa loob ng sako.
Lumuhod siya sa tabi ko at tumulong.
"Meron naman, kaso slight." Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. Humalakhak ito sa aking tabi.
"Ang sama ng ugali mo, ah." Sagot ko.
"I'll go get my first training tomorrow as a Royal Examiner." He said.
Tumango ako. "Galingan mo, ah. Para kapag pagkatapos mo, ako naman ang sasalang doon."
I remember, this is our dream. To become a Royal Knight member. Parehas kasi kaming humahanga sa kanila kung paano nila protektahan ang buong Ezora. I admire their courage and strength to face the battles with all their heart.
Pangarap kong matulungan ang maraming mages at mamamayan ng Ezora gamit ang healing magic ko. Habang si Hiro, gusto niyang maging isa sa mga kapitan na hinahangaan niya.
"I'll work hard, not just for me. But for us, I want Lolo to be proud of me and you." Sabi niya, tumingin ako sa kaniya na patuloy sa paglalagay ng mga pataba sa gulay na katatanim ko lang.
I smiled, Hiro is so dedicated.
"I wish you all the best Hiro."
Tumigil siya sa ginagawa at tiningnan ako. He gently smiled and pinched my cheeks, agad akong lumayo dahil sa maduming kamay niya.
"Yuck! Ang dumi ng kamay mo, eh!" Maktol ko.
"Hindi ka pa rin naman naliligo kaya ayos lang yan." Lumabas ang dimples sa magkabila niyang pisngi dahil sa pilyo niyang ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/275304196-288-k180661.jpg)
BINABASA MO ANG
EZORA KINGDOM CHRONICLES
FantasyKINGDOM SAGA CHRONICLES 🍃EZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR🍃 Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holding the only dream that they want to succeed someday, to become a member of Ezora's Magical Royal Knig...