🍃
SERA
Mabilis kaming natapos ni Astrid sa paglilinis ng mga natirang patay na ibon. Pagkatapos ay nilingon ko yung mga tao na hanggang ngayon bakas parin ang takot dahil sa nangyaring pagsabog kanina. Nag-aalala ako dahil nagpunta doon sila Gaia at Ivo at hanggang ngayon hindi parin sila bumabalik, ano kayang nangyari?
May mga kalaban kaya doon?
"Let's go back Sera." Tawag sa akin ni Astrid,
Lumakad ako palapit sa kaniya.
"Paano yung mga tao? Hindi ba dapat kausapin natin sila about sa nangyari?" Sagot ko,
"Don't worry about that, Royal Council na ang bahala sa kanila." Sabi niya,
"Astrid!"
Sabay kaming napalingon mula sa ere nang tumawag si Zeb, nagsalubong ang kilay ko nang makita silang lahat doon.
"Royal Capitol! Now!" Muli pang sigaw ni Zeb bago nagpatuloy sa palipad kasama sila Gaia.
Naguguluhang nilingon ko si Astrid na nakakunot ang noo.
"What does he mean?" I asked,
"Let's just follow them." Tanging sagot niya, sa isang iglap ay nakalutang na kami sa ere upang sumunod sa ibang Black Spades papunta sa direksyon ng Royal Capitol.
Hindi naman naging matagal ang byahe dahil nakarating kami doon kaagad. Huli kaming bumaba sa lupa at naabutan namin sa bungad ng palasyo sila Zeb, pero ngayon kasama na si Yuu.
Lumingon pa ako sa kabilang bahagi ng daan at nakita ang dalawang Royal Knights na naglalakad papunta sa direksyon namin, napasadahan ko ang kulay dilaw na robang suot nila. Sa sentro nito nakalagay ang simbolo ng gabi at buwan.
"Pinatawag din ang The Dawn?" Sabi ni Zeb sa gilid ko,
The Dawn?
Saglit akong napaisip at biglaang may napagtanto.
The third rank Royal Knights!
"Black Spades." Wika ng lalaking nakasuot ng salamin nang makalapit sila sa amin, katabi naman niya yung isa pang lalaki na magiliw na ngumiti sa amin.
"Hello Black Spades!" Bati nung isa,
"Anong ginagawa niyo' dito? Misyon ba?" Tanong ni Zeb,
Tumango yung unang The Dawn member na bumati sa amin.
Biglaang bumukas ang malaking pintuan sa entrance ng palasyo kaya pumasok doon si Yuu, mabilis namang sumunod yung dalawang miyembro ng The Dawn kasunod kami.
"That's Arkeli, the senior member of The Dawn. Yung isa naman si Huan." Bulong sa akin ni Astrid habang papasok kami sa loob. Tinuro niya yung dalawang member ng The Dawn,
So si Arkeli pala yung nakasalamin at senior member ng The Dawn, habang si Huan naman yung ngumiti at mabait na bumati sa amin kanina.

BINABASA MO ANG
EZORA KINGDOM CHRONICLES
FantasíaKINGDOM SAGA CHRONICLES 🍃EZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR🍃 Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holding the only dream that they want to succeed someday, to become a member of Ezora's Magical Royal Knig...