🍃
SERA
NAPALINGON ako sa ibang miyembro ng Black Spade na nasa hindi kalayuan, nasa tapat parin kami ng Headquarters pero ngayon ko lang napasadahan ang paligid. Nasa gitna pala ito ng gubat at matatanawan mula sa likod nito ang mataas na bundok sa malayo.
Napalunok ako sa kaba nang makita na manood sila, anong gagawin ko? Biglaan akong naging miyembro ng Royal Knights pero hindi ko naman alam kung saan magsisimula.
Actually nangangapa pa lamang ako.
Tapos idagdag mo pa yung lalaking walang imik at diretsong nakatayo sa harapan ko ngayon. Seryoso lang yung mukha niya kaya mas natatakot ako.
"Sera are you ready?!" Sigaw ni Zeb.
Lumingon muli ako sa kanila na nag-aabang sa magaganap. Nasa gitna si Captain Zy habang nakadekwatrong nakaupo, may hithit parin itong sigarilyo habang nakahilera naman sa tabi niya ang lahat ng miyembro ng Black Spade.
"Hoy Zeb hindi mo na dapat itanong sa kaniya kung handa na ba siya." Sagot ni Captain Zy,
Zeb make a face. "Pero Captain Zy bago pa lang siya!"
"That's why no special treatment. Lahat kayo dumaan din sa ganiyan." Tanging sagot ni Captain Zy.
"Hmp, if I know Zeb is just hitting with her." Sagot ng nakahalukipkip na si Astrid.
"Hoy! Galangin mo nga ako senior mo kaya ako!" Sigaw ni Zeb,
Nagsimulang mag-away ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan.
"If she wouldn't pass the exam, can she be my slave instead?" Napanganga ako sa tanong ni Gaia.
"No." Captain Zy replied.
Gaia rolled her eyes.
"You can do it Sera!" Sabi ni Saros
"She can do it, right Air?" Lumingon sa kakambal niya si Flow.
"Ihhhhh! Magiging okay lang ba siya Kapitan?" Tanong ni Air,
Bumuga ng usok si Captain Zy,
"Let's see."
Ilang beses akong napalunok. Kaya ko ba talaga? Ano namang klaseng kapangyarihan ang ipapakita ko sa kanila?
Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi ni Captain Zy na may potensyal ako. Baka mamaya sinabi niya lang yun para pagaanin ang loob ko dahil namatayan nga ako.
"Eyes here newbie."
Napalingon ako sa lalaking nasa harapan pagkatapos ay lumibot ang mata ko sa kulay asul na magical barrier na unti-unting nagkukulong sa aming dalawa sa loob. Habang nabubuo ito ay nakikita ko yung mga bagay na kumikislap dito.
Naningkit ang mga mata ko doon.
This barrier is made of thunder. And if I'm not mistaken a barrier is created by the power of a person who did this.
Meaning he's a thunder sorcerer.
Tuluyang nabuo ang barrier, pinakiramdaman ko ang paligid at napagtantong wala na akong kahit anong naririnig na ingay mula sa labas. Although transparent ito at kita parin ang mga miyembro ng Black Spade sa malayo, hindi ko na naririnig yung mga boses nila.
BINABASA MO ANG
EZORA KINGDOM CHRONICLES
FantasíaKINGDOM SAGA CHRONICLES 🍃EZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR🍃 Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holding the only dream that they want to succeed someday, to become a member of Ezora's Magical Royal Knig...