🍃
SERA
Bumaba kami sa lupa hindi kalayuan sa village ng mga witches. Hugis tatsulok yung bubungan ng bawat bahay nila at gawa ang mga ito sa kawayan, mula naman dito sa kinatatayuan namin ay makikita ang makapal at kulay purple na usok mula doon. May kakaibang mana din akong nararamdaman sa buong paligid, sabi ni Saros kanina iyon' daw ang barrier na nakalagay sa bungad ng bayan nila. Ito daw ay para walang makapasok sa loob at walang mangtangka ng masama sa kanila.
"Let's go," utos ni Yuu bago nagsimulang maglakad, nasa unahan siya kasunod kami.
Hindi naman kami nagtagal dahil mabilis kaming nakalapit sa bungad ng bayan, tumigil kami sa likod ng isang malaking puno upang magtago.
Pinasadahan ko yung color purple na barrier sa harapan namin, kumikisap kisap ito at bawat segundo naglalabas ito ng kaparehong kulay na usok. Umabot hanggang langit ang barrier na nakalagay dito at sa tingin ko malawak ito dahil napapalibutan nito ang buong bayan.
"There's an enchanted spell over the barrier," Sabi ni Saros sa tabi ko,
"Paano tayo makakapasok?" Tanong ko, napalingon kami nang sumipol si Zeb sa aming likod.
He smirked, "Kaya naman pala nadakip ng ganoon kadali si Lord Isaac, eh. Kahit ako magpapakidnap nalang din," Sabi niya habang diretso ang tingin sa unahan,
Lumingon muli ako't lumagpas ang tingin ko sa loob ng village. Namangha ako dahil halos puro babae lamang ang nakikita ko doon, bukod pa roon talaga namang nakakahakot ng atensyon yung bawat suot nila. Sobrang lakas kasi ng alindog nila sa iba't ibang klaseng chiton na suot, pare-pareho lang yung style nila na kapwa nakalabas ang kalahati ng dibdib, exposed yung pusod at kitang kita ang mapuputi nilang hita.
Wow?
"Hula ko, pabor na pabor sayo yung misyon na ito, tama ba Zeb?" Saros said sarcastically,
Zeb laughed a bit, "Of course, mabuti nalang talaga at sainyo ako napasama. Mas gaganahan ako sa misyon na ito kaysa sa kabila," nakangising sabi niya,
"Tsk, but how can we suppose to enter here? Ang alam ko galit sa mga lalaki ang mga witches na nakatira dito," Sagot ni Saros,
"Galit sila sa mga lalaki?" Tanong ko,
Hindi ko alam 'iyon, ah.
"Yes, actually kaya sila naglagay ng enchanted barrier sa palibot ng buong bayan nila ay para walang lalaking makalapit sa mga ito. Naniniwala kasi sila na isinumpa daw ang mga lalaki at isang kasalanan kung makikisalamuha sila sa mga ito." Mahabang paliwanag ni Saros,
"Like what the fuck dude? Sa gandang lalaki nating ito mukha ba tayong isinumpa? Tsk, baka kapag nakita nila tayo magbago ang pananaw nila sa mga kalalakihan," Sabi ni Zeb,
"Sera can you break the spell?" Napalingon ako kay Yuu, as usual seryoso yung hitsura niya nang lingunin kami.
"That's one of the curse barrier that Geta created so no one from us can break it except you," Dugtong niya,
I bite my lower lip, kasi naman bigla akong napressure, tsaka lahat kasi sila nakatitig sa akin.
"Uhm, I don't know if I can. But I'll try," Sagot ko,
BINABASA MO ANG
EZORA KINGDOM CHRONICLES
FantasyKINGDOM SAGA CHRONICLES 🍃EZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR🍃 Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holding the only dream that they want to succeed someday, to become a member of Ezora's Magical Royal Knig...