🍃
AIR
"NAKAKAINIS!"
Pabagsak kong nilapag yung walis at naupo sa sahig, pagkatapos ay inis kong binuksan yung lollipop na kinuha ko sa aking bulsa at nakabusangot na sinalpak ito sa aking bibig.
Naiinis ako sa kanilang lahat!
Waaaaaaaaahhhh!
Bakit naman kasi iniwan nila kaming lahat dito!
Huhuhuhuh! The base is so quiet at pakilamdam ko mababaliw ako kashi wala akong kalaro!
Si Captain Zy naman kashi hindi nalang kami sinama ni twinny sa misyon nila. Ayan tuloy loner ako ngayon,
Pinahid ko ang sipon sa aking ilong, suminghot singhot ako bago pinaglaruan ang lollipop sa bibig.
Hindi man lang nili iniwan si Seraa, para kahit papano may makausap ako, o' kaya naman si Ivo, pero di bale na si Ivo. Kahit nandito naman siya hindi ko makaushap ng matino iyon. Paano kung hindi tatango sa mga sasabihin mo, tititig lang sayo ng matagal! Kyaaaah ang creepy kaya huhuhuh.
Habang si Gaia naman mashungit, si Astrid pulo alak ang niiatupag, taposh si Zeb lagi akong niaaway, si Saros puro butingting sa kaniyang mga laruan. Tapos si Yuu,
Waaaaaaaaah! No comment!
"Air let's eat." Sinamaan ko ng tingin si Flow nang umupo siya sa harapan ko, bumukaka siya kagaya ng upo ko bago pinatong ang plato sa pagitan ng kaniyang mga hita.
"Ayako." I pouted my lips,
Sumubo siya ng malaking piraso ng hotdog at kanin, may kaunti pang kanin na dumikit sa gilid ng kaniyang bibig.
"Mogogotomkokongdokokokoon." Sabi niya habang puno ng pagkain ang bibig.
"Kashiii naman eh! Gushto ko nang lumabas!" Pumadyak ako sa sahig,
Nginuya niya ang kinakain bago nagsalita. "Captain Zy will get mad if we leave the base,"
"Pero gushto kong umalish! Nakakaiingit yung iba magkakasama habang tayo naiwan dito," Maktol ko.
Suminghot ako.
Gusto ko nang maglaro!
Gusto ko nang makipaglaro!
Nakakasawa na palaging kalaro itong si Twinny, paano ba naman palagi nalang ako yung hinahayaan niyang manalo kapag naglalaro kaming dalawa. Gushto ko yung fair na laro!
"Hindi naman sila umalis para maglaro Air, diba may misyon sila sa Etha at Eddha. Seryosong misyon iyon' kaya maghintay nalang tayo dito." Sabi niya bago muling sumubo sa pagkain, sunod sunod iyon'
"Alam mo *nom* Air, kung gusto mo *nom* tayo nalang dalawa *nom* ang maglaro, *nom* promise, mananalo ka *nom* sa akin *nom," Dire-diresto yung pagsasalita niya habang ngumuya,
Sinamaan ko siya ng tingin at kinagat ang lollipop, "Kaya nga ayaw kitang kalaro! Kasi palaging ako yung panalo!"
Inalok niya sa akin yung kinakain niya pero mas lalo lang humaba yung nguso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/275304196-288-k180661.jpg)
BINABASA MO ANG
EZORA KINGDOM CHRONICLES
FantasyKINGDOM SAGA CHRONICLES 🍃EZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR🍃 Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holding the only dream that they want to succeed someday, to become a member of Ezora's Magical Royal Knig...