¤ Chapter 20 ¤ A Day Before The Pageant

185K 5.3K 176
                                    


¤ Chapter 20 ¤ A Day Before The Pageant

"Sophie, bakit pala laging late ang uwi mo ngayon at madalang ka nalang magdinner kasama namin?" biglang tanong ni mama habang kumakain sa bahay.

My brows shot up. I never expected that. Wala naman silang pakealam dati kahit hindi ako umuuwi ng bahay.

"Oo nga anak. Isang linggo ka ng laging umuuwing late." sabi naman ni papa.

What's with them today? Parang ang bait naman yata nila saakin ngayon?

Bago pa ako makasagot, sumingit na ang maldita kong kapatid.

"Sorry po papa, kasalanan ko po yata. Baka hindi pa niya kami kayang makita ni Jarred na magkasama." singit naman ni Monique, obviously nagmamabait na naman ang gaga.

"Yun ba ang dahilan, Phie? Pasensya na ako pala ang dahilan." malungkot na sabi naman ni Jarred.

Oh please. Don't flatter yourself too much Jarred.

Grabe, ang kapal ng dalawang 'to.

Pasalamat sila at pagod ako ngayon, kaya ako nananahimik. Pero talagang sinusubukan nila ang pasensya ko.

"Huwag nga kayong feelingera't feelingero. Para yun lang hindi na ako uuwi? Don't worry alam ko yung feeling niyo, yung gusto niyo lagi kayong magkasama. Kasi yan din yung nararamdaman ko ngayon sa boyfriend ko." naiinis kong sabi.

Don't push my buttons too much Monique. Sinisiguro ko sa'yong hindi mo magugustuhan kapag lumabas ang sungay ko.

"Aw, napakabait naman ng anak ko." proud na sabi naman ni mama.

Kung inaakala mong ikaw lang ang magaling magpanggap Monique, nagkakamali ka. Sa tingin mo ba magpapahuli ako? Mas magaling yata ako sa'yo 'no!

"Huwag kang mag-alala Monique tanggap ko na, na kayo talaga ni Jarred ang para sa isa't-isa. Alam mo naman na hindi kita ipagpapalit sa isang lalaki diba? " malambing kong sabi sa kanya.

Take that Monique.

"Tama 'yan Sophie." approved naman ni papa.

Muntik na akong tumawa ng malakas nang makita ko ang mukha ni Monique. Para na siyang bubuga ng apoy sa galit. Pero siyempre hindi niya iyon ipapahalata kay mama at papa.

She put on her mask and smiled at me.

Just how far can you wear that mask Monique?

" I realized na marami pa palang lalake sa mundo, and that I deserve someone better than Jarred. At hindi ako nabigo, nahanap ko yung lalaking para sa akin at tumulong sa aking mag move-on." tuglong ko pa.

Napangiti si mama at papa sa sinabi ko, habang si Monique at Jarred naman ay nalukot ang mukha sa kanilang narinig.

Ang sarap talaga nilang inisin.

"Kung ganoon, bakit late ka na umuuwi?" tanong ulit ni mama.

"Kasali din po ako sa 'Couple's Pageant'." sagot ko naman with a shrugged.

"Really anak? I'm so proud of you!" sabi ni mama sabay lapit saakin at yakap.

Malapit na talaga akong masuka. Don't lose your cool Sophie. Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Ngumiti ako kay mama."Nala-late po ako kasi bago umuwi dumadaan po muna ako sa bahay ng boyfried ko at nagpa-practice. Ayoko naman pong mapahiya kayo dahil saakin." paliwanag ko.

"Bakit hindi nalang kayo magpractice dito kasama sina Monique?" suggestion naman ni papa.

Ayoko nga! Hindi ako makikisali sa dalawang 'yan no!

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon