¤ Chapter 12 ¤ The Plan

194K 5.9K 255
                                    

¤ Chapter 12 ¤ The Plan

"Ate, it's time to eat." sabi saakin ni Gabriel gamit ang cute niyang boses.

"Oh thank you baby." sabi ko naman sabay buhat sa kanya. "Let's go. Are you hungry?" tanong ko sa kanya.

"A wittle bit." sagot niya saakin.

"Is your Kuya Ethan home?" tanong ko ulit habang papunta kami sa kusina.

Oo, si Gabriel ay nakababatang kapatid ni Lulu. Para ngang small version ni Lulu si Gabriel eh. 

Oo nga pala, two months narin akong nakatira sa bahay nila Lulu. At feeling ko nga may bago na akong pamilya, masarap pala ang may tunay na pamilya.

Lahat nang kailangan ko binibigay nila at sobra-sobra pa. Sa ngayon wala pang plano, rineready palang nila ako sa mga pwedeng mangyari.

"He just got home." sagot niya.

At pagdating namin sa kusina nandun na nga si EL at si mom and dad. Oo, kaming apat lang.

"Good evening iha." sabay na bati saakin ni mom and dad.

"Good evening Fifi." nakangiting bati naman ni Lulu sabay lapit saakin at yakap.

"Good evening." nakangiti kong bati sa kanilang lahat.

"Ouch! I can't breathe, let go!" biglang daing ni Gabriel at kami tinawanan lang namin siya. Hawak hawak ko kasi si Gabriel nang yakapin ako ni Lulu.

Tapos yun, kumain na kami. Hindi kami kaagad natapos dahil nagkukulitan pa kami.

"Yaya, ihatid mo na sa kwarto niya si Gabriel." sabi ni mom sa yaya ni Gabriel.

"No! Don't touch me!" sabi niya sa yaya niya.

Nasabi ko na bang ang arte nang batang 'to? Yeah, ayaw niyang hinahawakan siya nang kung sinu-sino. Buti na nga lang at gusto niya ako kaya nayayakap at nabubuhat ko siya.

"Gabriel, " mom warned.

"I don't like her!" sabi naman ni Gabriel.

"Gabriel, let yaya bring you to your room okay? If you let her, we will go to the park tomorrow." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Really?" tanong niya at ako tumango lang. "Okay," sabi niya at ayun nagpabuhat na siya kay yaya papunta sa room niya.

"Thank you iha. Sa'yo lang naman nakikinig ang batang 'yon eh." nakangiting sabi ni mom.

"Bakit po pinahatid niyo na sa room niya si Gab?" nagtatakang tanong ko.

"Tumawag kanina ang parents mo sa school, at gusto nilang bumalik ka na JG academy." sabi ni Dad at si EL hinawakan lang ang kamay ko.

"Bakit po?" tanong ko.

"Bakit sa tingin mo?" balik tanong ni mom.

"Hindi ko po alam eh." honest kong sagot.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo 'to pero may binayaran akong mga tao para subaybayan ang pamilya mo." sabi saakin ni dad.

"Ayos lang yon dad." sabi ko.

"At ayon sa kanila, ideya daw ni Monique na ipalipat ka ulit sa JG Academy." sabi naman ni mom.

Of course it's her idea. Kung ang mga magulang ko ang masusunod, siguradong hindi na nila ako pauuwiin sa bahay. But why?

"Pero bakit nga po?" tanong ko.

"Malamang natatakot siya na makahanap ka ng kakampi mo. At para gawing impyerno ulit ang buhay mo." sabi naman ni dad. "Iha, handa ka na ba?" tanong niya pa saakin.

"Opo. Sisimulan na po ba natin?" tanong ko.

"Oo, next week lilipat ka na." sabi saakin ni dad.

"Ano po ang una nating gagawin?" tanong ko. Nagbago ulit kasi ang isip ni dad nung mga nakaraang  araw at  siya nalang daw ang mag-iisip ng plano.

"Diba ang pinakagusto mo namang pahirapan ay si Monique?" tanong ni Dad at ako tumango lang.

"Ano po ba talaga ang plano?" tanong ko. Ang hirap kasi kung wala akong ideya sa plano eh.

"Ano ba ang pinakagusto ni Monique?" tanong niya saakin.

"Spotlight. Gusto niya po laging nasa kanya ang atensyon nang lahat ng tao." sabi ko.

"Alam mo na siguro ang dapat gawin." sabi naman ni dad.

"You mean...?" nakangiti kong sabi.

"Oo, babawiin mo lahat ng inagaw niya sa'yo. Pagmumukhain mo siyang masama sa lahat gaya nang ginawa niya sa'yo at pahihirapan mo rin ang buhay niya. Kaya mo bang gawin 'yon iha?" tanong niya saakin

"Of course you can do it right Fifi?" nakangiting tanong sakin ni Lulu at ako tumango lang.

Pagkatapos mag-usap tumuloy na kami sa sala.

Nanood kami ngayon sa sala nang pamilya ni Lulu. Focus lang ako sa panunuod ng palabas nang maramdaman kong may nakatingin saakin at kaagad ko namang tinignan kung sino 'yon.

"Alam ko maganda ako pero kailangan ba titigan mo ako? Sige ka baka matunaw ako niyan." biro ko kay Lulu at siya ngumiti lang.

"Fifi come here." sabi niya sabay pat niya sa space sa tabi niya at ako kaagad namang pumunta.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya. Ang lungkot niya kasi.

Pagkaupo ko sa tabi niya kaagad niya akong yinakap.

"Next week iiwan mo na ako." parang batang sabi niya. Yun naman parents niya tumawa lang.

"Ano ka ba, uuwi lang ako saamin 'no! Magkikita pa naman tayo." natatawa kong sabi.

"Promise me, na hindi ka manlalake habang wala ako." sabi pa niya.

"Mukha ba akong lalakero?" natatawa kong sabi at ang parents naman ni Lulu tawa lang nang tawa. "Mom, dad mukha ba akong lalakero?" tanong ko sa kanila at sila umiling lang. "Tignan niyo po so Lulu, pinagbibintangan niya po akong lalakero." kunwaring naiiyak kong sabi but no luck, hindi talaga ako magaling umarte.

"Fifi, I'm not kidding." serious niyang sabi. "Promise me," dugtong pa niya.

"Ano ka ba don't you trust me? Baka ikaw nga diyan ang mambabae eh." sabi ko naman.

"Never. No one can ever replace you in my heart even in a short time. You're always gonna be my love, I love you." sagot niya. 'Ang sweet talaga nitong lalakeng 'to kaya ko 'to minahal eh. Ang sweet sweet niya lalo na sa mga love letter na linalagay niya noon sa locker ko.'

"I love you too," kumalas ako sa yakap para halikan siya sa pisngi.

"I love you more, more than you know." pahabol pa niya bago niya halikan ang noo at ilong ko.

"Tama na 'yan baka langgamin tayo dito." biro naman nina mom and dad.

Tumawa lang kami ni Lulu.





The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon