¤ Chapter 34 ¤ Ngayon alam mo na ang feeling

140K 4.1K 47
                                    

¤ Chapter 34 ¤ Ngayon alam mo na ang feeling

"According to the Doctor, may nakain kayong substance na naging dahilan nang pagkakasakit ng tiyan niyo." paliwanag ng principal.

"Sigurado po ako si Sophie ang naglagay nung substance sa pagkain." bintang ni Monique.

Kaagad naman na napunta saakin ang tingin ng mga classmates ko.

"Oo nga baka si Sophie!"

"Pwedeng siya nga!"

"Ang sama niya! Paano niya yun nagawa saatin?"

Bulung-bulungan ng mga classmates ko.

Monique looked at me and smirked. Masayang-masaya siya dahil napaniwala na naman niya ang mga classmate namin sa mga kasinungalingan niya.

Tinignan ko lang siya ng walang emosyon sa aking mga mata. Pagkatapos tinignan ko yung mga classmates ko.

Siguro nga kahit anong gawin ko mas paniniwalaan parin nila si Monique kaysa saakin. Para sa kanila lahat ng sabihin niya ay tama at totoo. Sa mga mata nila parang isang santo si Monique.

Hindi parin talaga sila nagbago.

Ilang beses ko na ba napatunayan na sinungaling at masama si Monique?

Pero bakit ganoon?

Sabi nila mabubura ng isang pagkakamali ang lahat ng kabutihang nagawa ng isang tao.

Pero bakit ganoon? Kay Monique kabaligtaran ang nangyayari?

Nagbait-baitan lang siya at madali na niyang nabura sa utak ng mga classmates ko ang mga ginawa niya?

Kung sigurong hindi lang ako ang may kagagawan, masasaktan ako. Buti nalang ako talaga, kaya hindi masakit kasi totoo naman.

Life is really unfair 'no? Tsk, tsk, tsk.

"Monique, hindi ka pwedeng magbintang nang walang patunay!" sabi naman ni ma'am.

"Hindi pa ba sapat na patunay yung hindi siya kumain at hindi sumakit ang tiyan niya?! Dahil siya ang naglagay nung substance." pilit naman ni Monique.

"Hindi iyon sapat na patunay. Hindi lang naman siya yung hindi kumain at hindi sumakit ang tiyan, eh! Pati si Samantha." sabi ulit ni principal.

"Siguro, magkasabwat sila! Nakita niyo naman mga classmate kung paano sila sadyang nagbanggaan! Siguro ginawa nila yun para hindi sila kumain dahil linagyan nga nila ng gamot ang pagkain." pilit parin ni Monique.

"Oo nga, baka magkasabwat sila!"

"Bitch!"

"Ang sama nila!"

Bulung-bulungan ulit ng mga classmates ko, well ano pa nga bang maaasahan mo sa kanila diba?

Kaya tinignan ko nalang si Samantha, hurt was visible in her eyes.

Dapat lang yan sa'yo Samantha. Now you know the feeling of being betrayed by the person you deeply trust.

Alam mo narin ang naramdaman ko noon. Pinagkatiwalaan kita noon ng sobra, pero anong ginawa mo? Tinraydor mo ako.

"How could you do this to me, Monique?" narinig kong bulong niya.

"Nakita niyo na Ma'am? Sila po talaga ang may kasalanan at may kagagawan sa nangyari!" sabi naman ni Monique na tuwang-tuwa dahil sa ginagawa niyang pagdidiin saamin ni Samantha.

Tinignan kami ng masama ng classmate namin.

Nang biglang may kumatok sa pinto.

Nang buksan ng principal yung pinto, bumungad yung iritadong mukha ni Mrs. Santos. Siya yung teacher namin nang naganap ang pagsakit ng tiyan ng mga classmate ko.

Napangiti ako nang makita ko siya.

Looks like the show is about to start.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon