¤ Chapter 38 ¤ The Decision
Huminga ako ng malalim.
Unti-unti kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
At doon nakakita ako ng isang babae sa harap ko. Napakaganda niya, at nakasuot siya ng mga mamahaling damit.
But that's not what caught my attention... it's her eyes. They look dull and full of guilt.
The girl in front of me looked lonely and miserable. Bakit kaya?
Napangiti ako sa tanong na'yun.., a bitter smile if you will ask me. At ganun din ang babae sa harap ko.
That's a good question Sophie, bakit nga ba hindi ka parin masaya hanggang ngayon?
Napakaganda ko na, halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin. Natutupad na ang mga plano ko.
Pero hindi parin ako masaya. Bakit nga ba?
Natawa ako sa tanong na'yun. Natatawa ako dahil alam ko naman ang sagot sa tanong na'yun pero hindi ko lang matanggap.
Malungkot ako dahil hanggang ngayon nabubuhay parin ako sa nakaraan. Hindi parin ako makalimot at hindi parin ako makapagpatawad.
At hindi ko matanggap na sinira ko ang napakaraming taon para matanggap ako ng mga taong hindi naman karapat dapat.
Tama si Lulu, kailangan ko na ngang tapusin 'to.
Panahon narin naman siguro para sumaya narin ako.
Tanggap ko na, na mas mahal nila si Monique kaysa saakin. At tanggap ko na na nagkamali ako sa paghihiganti sa kanilang lahat.
Gusto ko nalang ngayon mawala na ang galit sa puso ko at para mapatawad ko na silang lahat. At sana mapatawad rin nila ako.
Panahon na para itama ko lahat ng pagkakamali ko.
A time with Lulu yesterday cleared my mind. Gagawin ko ito hindi lang para saakin, kundi para saaming lahat.
Siguro nga hindi ako magagawang mahalin ng sarili kong pamilya noon. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ako karapat-dapat mahalin at wala nang magmamahal saakin.
Tama si Gab.
*FLASHBACK*
Pagkatapos naming pumunta sa park ni Lulu, naisipan naming umuwi nalang sa kanila.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, una kong nakita si Gab.
"Baby!" tawag ko sa kanya pero parang hindi niya yata ako narinig dahil tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.
I gave Lulu a questioning look and all he gave me is a shrugged.
"Lulu pupuntahan ko muna si Gab ah..." paalam ko sa kanya sabay lakad papunta sa kwarto ni Gab.
Pagdating ko sa harap ng pinto niya kaagad akong kumatok pero walang sumasagot.
Kaya napilitan akong buksan ang pinto. Hindi naman kasi nagla-lock ng pinto si Gab.
Nakita ko siya sa gilid ng kama nakatingin sa bedside table.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan at dahil sa sobrang pagtingin niya sa bedside table hindi niya namalayan ang paglapit ko.
Ano bang meron sa bedside table?
Napangiti ako sa nakita ko. Yung picture na kinunan namin ng naisipan naming pumunta lahat sa carnibal. Napakasaya namin nung mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!
Teen FictionWhat if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!