¤ Chapter 21 ¤ The Pageant

197K 5.2K 401
                                    

¤ Chapter 21 ¤ The Pageant

Monique's POV

"Monique, ang ganda mo! Bagay na bagay talaga kayo ni Jarred!"

"Sigurado kayo na ang mananalo."

"Ang cute niyo!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong sinasabi ng mga student na nakakakita saamin.

And me? I just flashed them my one million dollar smile.

Kami naman talaga ni Jarred ang mananalo, that's for sure. Sa ganda kong 'to at kay Jarred?

"Thank you girls." flirt naman ni Jarred sa mga babae.

Nasaan na kaya ang magaling kong kapatid? I want to see her. Gusto kong makita kung paano siya mapapahiya mamaya. I'm sure na wala na siyang mukhang maihaharap pagkatapos ng pageant na ito.

Sigurado ako na mapapahiya siya sa 'MMMM' niyang boyfriend. Paano ako nakasisiguradong boyfriend niya nga ang pupunta mamaya? At paano ako makakasigurado na hindi siya magdadala ng iba? Simple lang...

*FLASHBACK*

"Monique! Ano ba ang ginagawa natin sa loob ng kwarto ni Sophie?!" pasigaw na bulong ni Abby.

I rolled my eyes at them. Just shut up, will you?

"Pwede ba? Huwag na kayong dumada diyan at tulungan niyo na lang akong hanapin yung cellphone ni Sophie!" naiirita kong sabi.

Kanina pa kasi sila tanong nang tanong at reklamo nang reklamo.

"Anong gagawin mo sa cellphone ni Sophie? " kinakabahang tanong ni Samantha.

"Hanapin niyo nalang! Kailangan natin yung mahanap bago matapos maligo si Sophie!" gigil kong bulong sa kanila.

Puro sila rekalamo. Kung naghanap na sila kanina pa, e 'di palabas na kami ngayon ng kwarto ni Sophie!

"I found it!" bulong ni Samantha sabay smile at bigay saakin ng phone.

Napangiti ako, may silbi naman pala sila kahit papaano.

"Oh my! Diba yan yung bagong labas na model? If I'm not mistaken ang mahal mahal niyan." inggit na inggit na sabi ni Abby.

Well, I can't blame her. Kahit ako naiinggit sa mga gamit ni Sophie.

"Ano na? Ano bang gagawin mo sa cellphone ni Sophie?" curious na tanong naman ni Samantha.

Ngumisi ako sa kanila. "Let's just say sisiguraduhin lang natin na darating ang boyfriend ni Sophie at hindi masisira ang plano natin." i said smugly.

"Anong gagawin natin?" tanong naman ni Abby.

Pwede ba? Hindi ba talaga nila kayang isara muna ang bibig nila? Baka mabuko pa kami nito, e!

Dali-dali kong binuksan ang cellphone ni Sophie sa takot na mahuli kami.

Napangiti ako. Ayos, walang password.

Kaagad akong pumunta sa 'messages' at nag text sa boyfriend ni Sophie, yung Lulu? Ang panget diba? Sigurado akong kasing panget nang pangalan niya yung lalakeng iyon.

I am so excited for tomorrow!

From : Sophie

Lulu, be sure na dumating ka sa school ko bukas ha? Hindi pwedeng mawala ka. Nagbago na ang isip ko, kung mahal talaga kita hindi kita ikakahiya sa mga classmates ko. Kaya punta ka bukas, okay? Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta ! See you tomorrow, I love you <3

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon